Amarah's POV
Ano nga ulit yung rule number 1 kanina? Ahh oo, 'wag magdala ng payong. Nagtataka kayo kung ano pinagsasasabi ko no? HAHA. Basta. Let's just wait and see nalang.
Nandito ako ngayon naglalakad sa dalampasigan para magpahangin.
Take note, hindi ako nagdala ng payong, rule number 1 yun ihh.
Nung nangalay na 'ko sa kakatayo'y napagdesisyunan kong maghanap ng mauupuan.
Saan na ba yung mga cottage, cottage dito? Hayun—pero taena, anlayo naman pala. Ang sakit na ng paa ko, well kasalanan ko lang rin naman.
Tinungo ko ang maliit na cottage na pinakamalapit.
Sa lahat ng mga cottages syempre yung mas malapit na sa 'kin kahit hindi naman talaga malapit basta yung unang cottage na madadaanan grr.
Kahit maliit o nagmumukha ng kubo or what basta siya yung pinakamalapit sa puwesto ko, hindi ko na tatanggihan. Aangal pa ba ako? Sakit sa katawan o dignidad? Charot HAHA.
Update! Nandito na ako sa maliit na cottage lol. Expected na mainit nga dito at nagmumukha ng kubo, kung titignan parang napabayaan na. Parang mapupunit na ang bubong nito. Siguro kapag may nadating na bagyo magigiba na 'to.
Binalik ko ang tingin ko sa dagat at—
Taena, namamalikmata lang ba ako?
Kinusot kusot ko pa ang aking mga mata kung tunay ang aking nakikita.
Owemji. Ang gwapo. ANG GWAPO NUNG NAGLALAKAD SA DALAMPASIGAN! AT—
NAKATINGIN SIYA SA 'KIN.
Omo, yep sisss, yepp. Nakatingin talaga siya sa akin kasi wala naman akong ibang kasama dito. Real talk, hindi po ako gwapo hunter, minsan lang.
Naglakad siya palapit sa akin.
This'll gonna be awkward.
Nakalapit na siya ng tuluyan dito sa aking silungan at walang imik na nakiupo sa aking tabi.
Taena. Oppa na gwapo, ba't ka ganyan? Huhu. Da't nagtatanong ka po kung pwede makiupo. Pero ays na yan, siguro alam mong hindi ako tatanggi HAHA.
Nasa ganoong sitwasyon kami ng biglang humangin ng malakas.
WtF?
“Sieteeee, mukhang mapipilas na ata 'tong bubong ng cottage na 'to” pambabasag ko sa nakakailang na katahimikan.
Hindi siya kumibo at—kakikitaan sa kilos niyang kalmado lang siya dahil naka cross arms pa.
Kakainis, sanaol kalmado.
Humangin pa ulit bigla.
Taena naman. Am freaking out here baka ako pa magbayad kapag masira man ito amp. Ay oo nga pala pinabayaan na but—still.
Huminto na ang hangin ngunit bigla namang umambon.
Taena may bagyo ba? Bakit kanina ang init init pa tas ngayon biglang gan'to? Okay lang naman, ambon palang nama—
Hindi ko pa natatapos ang statement ko sa isipan ko nang tuluyan ng bumuhos ang ulan.
Hindi na okay 'to, hindi ako nagdala ng payong. Pero—nandito naman 'to si oppa na kasama ko, uwu. Ay taena, anlandi ko na amp. Oppa.jpeg lol.
Sa lakas ng hangin at ulan ay lubusan ng nagiba ang bubong ng cottage na aming sinisilungan.
Woah, ang lamig ng hangin. Oppa makisig, may hoodie ka po ba? Pahiram naman po. Malandi.mp3, charot lang nakakahiya naman. Hindi na nga ako kinakausap, tsk.
Niyakap ko na lamang ang aking sarili dahil sa lamig at hinayaan ko ang sariling maulanan. Ngunit—
Bago pa man ako tuluyang mabasa ng tubig-ulan ay pinayungan na ako ng lalaking kasama ko. Wews, sweet.
Pero teka—saan nanggaling yung payong niya? Tinignan ko ang kabuuan niya't napagtantong may dala pala siyang bag, a manly leather bag.
Laging handa ka po, oppa? HAHA. Okay seryoso na.
“S-salamat po” pagpapasalamat ko sa kabutihang loob ng binata.
WtF. Ba't nagstutter? Lol.
Tinignan niya naman ako ng matalim at nagsalita.
“Sis 'wag ka mag isip ng kung ano ano and just be thankful may puso ako't pinayungan pa kita. Tsk” wika niyang nagpaguho ng mundo ko.
For fuck's sake, why? Wala na, sirang sira na ako. Damn. Perhaps, are you—
“Yep, ghorl. So 'wag kang mag ilusyon, 'di tayo talo.” Sabay kindat niya sa akin.
H-how?
“Oh 'wag masyadong magulat, tutumbling na mata mo oh.” kasabay nun ang pagturo niya sa mata 'kong nanlalaki.
OWEMJI. WHAT THE ACTUAL FUCK?! WEYT, BUFFERING. HINDI AKO MAKAPANIWALA. WHY? HUHU.
“Anyways sino yang lock screen mo? Ang yummy hA? Share mo naman ghorl” puna pa niya sa cellphone ko na biglang umilaw.
May nagtext? Dagli kong tinignan kung sino ang nagtext—
At kamalas malasang Globe pa, hayeop. Nananadya ka din ba? Ganda naman ng text mo globe.
‘Your GoSURF has expired. Enjoy 2GB of surfing blah blah blah’.
Screw this day! Akala ko susuwertihin ako ngayon. Akala ko, makakahanap na ako ng oppa. Huhu. Hindi effective. Letche.
“Ahh itong lock screen ko po? Si Felix po ng Stray Kids” simpleng tugon ko.
“Eh sino naman yung wallpaper mo? Sorry nakiechos ako nung binuksan mo phone mo hihi.” Usyuso niya't nag peace sign pa. Gusto kong mapaface palm, seryoso.
“Taehyung po ng BTS. And since, hindi po tayo talo gaya nga ng sabi niyo po, stan BTS, TXT, Stray Kids, Mamamoo, Twice, Monsta X, SB19, Pentago—” pinutol niya ang sinasabi ko.
“Ano ka ba, just say, stan KPOP, sis” sabay ngiti ng malapad. Napabuntong hininga na lamang ako.
Gwapo pero sayang. Sayang na sayang ka sis.
“Stan KPOP, sis” ulit ko nalang sa sinabi niya.
Akala ko talaga lucky day ko na ngayon. Akala ko effective yung hindi magdala ng payong para makahanap ng Oppa.
Screw it! Bwisit na article kasi, easy ways how to find an Oppa, my ass.
SCAM! KANINA NANIWALA PA AKO PERO NGAYON FUCKING NO NA, LETCHENG ARTICLE. GRR.
YOU ARE READING
How To Find An Oppa [One-Shot]
Short StoryWanna know how to find an Oppa? What is the easiest method possible to find Jowa? Come join the fun with Amarah. Oplan: Hanap Jowa slash Oppa. Remember only one thing, the GOLDEN RULE-huwag magdala ng payong:)