Sana ako nalang siya

8 3 0
                                    

"Sana ako nalang siya"

Mas una mo akong nakilala
Pero siya ang ginusto mo makasama
Siya ang ginusto mong makilala
Ako yung nandito pero ang mata mo nasakanya

talo agad ako nahulog ako sayo
pero alam ko naman na siya ang gusto mo
nahulog ako sa taong wala naman balak saluhin ako
ni wala ka ngang alam sa lihim kong pagtingin sayo

sana ako nalang siya
lahat kasi ng hinahanap mo nasakanya na
sana katulad ko nalang siya
baka sakaling magustuhan moko pag kasing ganda at talino ko na siya

Kinikimkim ang sakit na dinarama
lalo na kapag tayong tatlo ay magkasama
umaasa na mapapasaken ka
kaso alam ko sa puso mo may nanalo na

sabi nila umamin nako
pero ang sabi ko malayong ako ang piliin mo
bat pako aamin kung siya naman gusto mo
alam na nating lahat kung sino nakabihag ng puso mo
at alam din nating lahat hindi ako kundi ang kaibigan ko

Mahal kita pero mas mahal mo siya
alam kong mas sasaya ka kapag kasama mo siya
anong laban ko sa taong mas mahal mo
kaysa sakin na kapatid lang ang turing mo

-Moon ☾

Secret poetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon