One Shot

30 5 0
                                    

[A/N:] This is for all long time friendships na nawalan ng communication hanggang sa isang araw ay may iba na pala siyang kaibigan, at hindi na ikaw 'yon.

____________

Frienship Gap

Sabi nila, childhood friendship are the strongest friendship na siguradong maglolong-last. Kasa-kasama mo na daw ito simula pagkabata, kaya alam na alam mo na daw pati ang likaw ng bituka nito.

Habang tumatagal, mas tumitibay daw yung friendship niyo. But I beg to disagree about this idea. Hindi lahat naglolong-last. Hindi lahat tumitibay. Dahil may iba habang tumatagal, kinakalawang.

There's no permanent in this world, and change is constant. Maaaring magbago ang nararamdaman mo, ang mundo, ang ugali, physical appearance mo, o yung relasyon niyo. Dahil dito, maaaring magkaroon ng gap sa friendship niyo dahil may nagbago.

"Lili! Ba't nga pala wala ka kahapon sa outing ng barkada natin?" tanong sa'kin ni Niza.

Niza are one of my bestfriend, and my one and only walking diary. May best bestfriend din naman ako, pero nag-aalangan na akong magsabi sa kaniya dahil baka hindi lang siya makikinig. Nag-aalangan na din akong pumansin sa kaniya dahil parang may nagbago na rin sa pakikitungo niya sa akin.

May napapansin kasi ako sa kaniya lately. Kapag nag-uusap kaming dalawa, tinatanguan niya na lang ako. 'Ahh', at 'I see' nalang ang tanging lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi tulad dati na nag-uunahan pa kami sa pagkwe-kwento. Nagtatawanan, nagku-kwentuhan hanggang sa maabutan kami ng takip-silim.

But these past few days? Ni-hindi na nga tumatagal ng tatlumpong minuto ang pag-uusap namin dahil palagi siyang may excuse. Kesyo natatae daw siya, kesyo may gagawin daw siya, kesyo ganiyan, kesyo ganito. Feeling ko tuloy disturbo na lang ako sa kaniya.

Tipid akong ngumiti kay Niza, "Hindi naman ako na-inform na may outing pala."

Nagtaka naman ito, "Huh? E, 'di ba parati ka namang pinupuntahan ni Yesha sa bahay niyo? Pupunatahan sana kita, e. Kaso akala ko napuntahan ka na niya," anito at napakamot ng ulo.

Hindi ko talaga alam na may outing ang barkada. Kung hindi pa ako nagback read sa group chat, hindi ko pa malalaman. Late ko naman na din nabasa kasi kagigising ko lang, at kakaalis lang nila.

Wala namang problema sa’kin na hindi ako nakasama. Ang akin lang, ba’t hindi man lang ako inimporma ni Yesha? Siguro nasanay na ako na palagi siyang pumupunta sa bahay kapag may lakad kaming magtotropa. Kaya labis akong nadismaya nang malamab na hindi man lang niya ako pinuntahan sa bahay.

"Pumunta siguro siya sa bahay, Niz. Baka tulog ako no’ng panahong iyon. Alam mo naman na tulog mantika ako,” paliwanag ko saka alanganing tumawa.

Ayaw kong masira ang tingin niya kay Yesha. Baka naman may rason siya kung bakit hindi niya ako napuntahan 'di ba? Napaka makakalimutin pa naman no'n.

Napakunot ang noo niya at tinitigan ako ng mabuti. Tila'y binabasa ang aking mata kung nagsasabi nga ba ako ng totoo. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh, ano? Totoo nga, Niza. Tulog mantika ako," panggigiit ko.

Napiling-iling siya tila'y hindi naniniwala sa 'kin. "Parang hindi, e... Parang may mali."

Time Creates Gap [Completed✔️]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon