Chapter 3

6 1 0
                                    

"Napaka bagal mo naman!" gianne. habang hinihila ako sa fishball stall

"teka naman kasi wala na nga akong pera may problema pa ko sa dragon na yun!" inis na sabi ko habang naka busangot ang mukha.

"tatanga tanga ka kase sabing lalabas! hahahahaha!" pang aasar nya.

"Whatever" sabay irap ko.

"maka whatever si bruha oh ganda ka?" pang aasar pa ni gianne lalo.

di ko na sya pinansin at daredaretso sa fishbolan at tumuhog ng tumuhog.

"hayyyyy gutom pa ko!!" sabi ni gianne habang hinihimas ang tyan nya.

"wala akong pera eh hayaan mo na" sabi ko.

"ano pa bang magagawa ko eh hindi naman tayo mayaman" malungkot na sabi nya.

"kow kow kow bat ka nalulungkot jan? arte nito hindi lahat ng mayaman masaya kahit mahirap tayo masaya tayo at pwede tayong yumaman. tska may kaya naman kayo kumpara saken no! tamo ako happy parin!" taas noong sabi ko.

"sabagay nangangarap na nga lang den tayo di pa naten lubusin" magaang sabi nya.

"tara na second subject na baka ma late pa tayo double kill na ko nito" sabay hila ko kay gianne.

pag dating namin sa pinto ng classroom sobrang gulo may nag tatakbuhan, may nag chichismisan, may tulog may nag mamakeup may nag seselfie at nag sasayaw.

"Angela! wala si Ms. Lila ngayon may meeting daw kasi sya sa ibang school pero nag iwan sya ng gagawin." sabi ni baklang Edwin class president namin.

"talagaa?!!!" sabi ko

"kakasabi ko lang dai, julet julet?"

"hahahaha sige baks babye"

"hoy di mo gagawin ung activity?" pahabol na tanong nya.

"bagsak rin naman ako bat ko pa gagawin? hahahahaha" sabi ko sabay talikod at hila kay gianne.

Dumaretso kami sa quadrangle, sa ilalim ng puno. para bang nag papahinga kahit di naman pagod. maarte lang talaga kami.

Eto ako ngayon iniisip parin ung wallet ko. 200 din un. tatlong linggo kong inipon 50 kasi ang baon ko tas lagi kong tinatabi ung 10 araw araw tapos minsan nalalagasan ako ng piso piso kasi tumutuhog ako ng dalawang pirasong fishball kay manong, piso rin un laman tyan den hahaha. hanggang sa naging 200 nalang sya tapos mawawala lang bigla. edi sana binigay ko nalang kina nanay may pang kain sana kami ng dalawang araw. hayss

"Hoy! ang lalim naman ng thinking mo jan." sabi ni gianne.

"naalala ko nanaman kasi nung panahong natae ka" seryosong sabi ko.

"kinangina mo!" natatawang mura ni gianne.

"chareng lang epal ka ganda na ng pag kkwento ko eh. naalala ko lang ung pera ko potspa dalawang daan den un pag un nakita ko lilibre kita" sabi ko.

"talaga ng ano?!!! taraa hanapin nanatin!" sabi nya.

"ililibre ko sayo i manong iyong iyo na." sabi ko.

"gaga may asawa" kunwaring malungkot na sabi nya.

"hahaha hayop ka talaga." at nabalot nanaman kami ng katahimikan. tila bay may malalim na iniisip din si gianne.

Si gianne nga pala ang bestfriend ko since first highschool. 4th year na kami and graduating malamang. Galing sya sa may konting kayang pamilya pero hindi sya maluho. kumbaga nakakain sila ng buong fried chicken kahit walang okasyon. kung susumahin natin mas maarte ako sa kanya kahit may kutson sila at nakapapag lang kami.

Never Knew This Would HappenWhere stories live. Discover now