KHEERA'S POV
"KHEERA! Gumising ka na't kumain na!"
Umagang umaga sumisigaw si Mama. Bumangon na ako at pumunta sa cr. Tinignan ko ang kaharap kong salamin.
Halos matawa ako sa nakita ko. May muta. Tulo ang laway. At sabog kong buhok. Napailing na lamang ako at naligo na.
My name's Kheera Ferrer. Hindi kami kasing yaman ni Kuya Willie pero hindi rin naman kami mahirap. 15 years of existence.
Sinuot ko na ang uniform ko at bumaba na.
"Magandang umaga, Ma." Bati ko rito at ngumiti rito.
"Magandang umaga rin, 'nak. Kumain kana at baka malate ka sa school." Bati nito pabalik at ngumiti rin sa'kin.
Tumango nalang ako at kumain na. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na ako kay Mama.
Habang naglalakad ako ay pakiramdam ko ay may nakatitig sa'kin. Binabantayan ang anumang kilos na gagawin ko.
Kinikilabutan ako.
"Guni-guni ko lang 'yon." Bulong ko sa sarili ko.
Napabuntong hininga nalang ako at pinagpatuloy na ang paglalakad.
-AT SCHOOL
"KHEERAAAA!"
Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko na abot hanggang dulo ng hallway. Marami ring estudyante na nagsilingon.
"Taki, ilang beses ko bang sinabi sayo na 'wag mong isigaw ang pangalan ko 'di ba? Kita mo oh? Maraming nakatingin." Sabi ko kay Taki na napanguso nalang.
Eh kung hilain ko kaya nguso nito? Tignan natin at baka aabot 'yan hanggang universe.
"Hmp! Tara na nga lang!"
Hinawakan niya ang wrist ko at hinila ako. Pumasok na kami sa room at umupo na sa kanya-kanya naming upuan.
-UWIAN
"Bye, Kheera!"
Kumaway si Taki na kinawayan ko pabalik. Hayst. Buti naman tapos na ang klase.
Tumalikod na ako at naglakad na. Napamura nalang ako nang makita ko ang isang dosenang mga lalaki. Maraming tattoo sa katawan. May nagsisigarilyo. Meron naman ay may hawak hawak na alak.
Shit!
Kalma, Kheera. Mga mukhang adik lang sila pero hindi ka naman nila gagalawin, ok?
Taas-noo akong naglakad at hindi ko inaasahang nakaapak ako ng isang lata na dahilan ang pagbaling ng tingin nila sa'kin.
PAKTAY!
Napalunok ako nang nakita ko ang iba sa kanila ay napangisi.
Wala na! Finish na. Huhuhuh, Mama! Superman, batman, nasa'n na kayo?! I need you! Huhuhu.
"Hi, Miss." Sabi ng isang lalaki na may parang hikaw sa ilong.
Kung ipalunok ko kaya 'yang hikaw mo sa'yo? May pa HI HI ka pang kupal ka.
"Mukhang mag-isa ka lang ha?" Sabi ng isang may tattoo sa bandang leeg at malaki ang eye bags.
"Naks, pre? Mahilig ka rin magpuyat? Puyat puyat pa eh wala namang jowa. Atsaka, may nakita ka bang may kasama ako? 'Di ba wala? Edi malamang mag-isa lang ako. Bobo ka?"
Syempre sa isip ko lang sinabi 'yan. Baka mahampas pa nila ako ng hawak nilang bote edi dead!
"A-Ah mga kuya, p-pwede po bang d-dumaan ako? H-Hinihintay na kasi ako ng nanay ko sa bahay. Hehehe," Nauutal kong sabi sa kanila.
>.<
"Miss, sumama ka nalang samin. Paliligayahin ka namin." Sabi ng isang lalaki na may bigote.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
"P-Pera po ba ang gusto niyo? I-Ibibigay ko po. P-Padaanin niyo po ako." Mangiyak-iyak kong sambit at naglabas ng pera.
"Hindi namin kailangan 'yan, Miss. Ikaw." Sabi ulit ng lalaking may hikaw sa ilong.
"'Wag ka na ngang magmatigas! Sumama ka na samin!" Sigaw ng lalaking may hawak na bote.
Halos magwala ang puso ko sa kaba at takot nang lapitan ako ng isa sa kanila.
Sa takot ay nabato ko sa kaniya ang bag ko. Napamura naman ito.
May dalawang lumapit sa akin at agad kong sinipa ang private part ng isa sa kanila at gamit ang kaliwa kong kamay ay sinuntok ko din ang isa.
Nagulat ako nang lahat sila ay sugurin ako. Tumakbo ako nang tumakbo.
"Miss! Satin satin lang 'toh!"
"Uungol ka rin maya maya!"
"Wag ka kasing tumakbo!"
Nandidiri ako sa mga sinasabi nila.
Tumakbo ako sa isang gusali at napasandal sa pader.
"Oh? Nasa'n na?!"
"Tignan niyo ro'n!"
Nakita kong tumakbo sila sa ibang direksiyon kaya napahinga ako ng maluwag.
Du'n ko rin napagtanto na nawawala na ako at hindi ko manlang naalala kung saan ako dumaan.
Jusko naman!
Napatalikod ako at napaatras nang makita ko ang malaking gate sa harap ko. Gawa ito sa bakal. Marami nang nakapalibot na dahol dito.
Napatakpan ako ng ilong at bibig nang makakita ako ng pulang likido.
D-Dugo...?
Napaiwas na lamang ako ng tingin.
Nagtataka rin ako kung bakit may isang ganito rito. Hindi ko rin makita kung ano ang nasa loon nito kasi natatakpan ito ng napakalaking pader. Gawa rin sa bakal ang pader.
Dahil sa kyuryusidad at dahan-dahan kong binuksan ang gate at pumasok.
Sa totoo lang, kinikilabutan ako.
Mas lalo akong natakot nang makita ko ang loob.
Isang napakalaking bahay ang nakita ko. May dugo. Halatang luma na ang bahay na 'to. Bahay? Parang mansion na eh.
Napaatras ako nang makakita ako ng dalawang patay na pusa at nakabitay pa ito malapit sa pinto.
Halos masuka ako sa mga nakikita ko. Maraming dugo. May nakita rin akong isang daga at may nakatarak na kutsilyo.
O-Oh no.. Ano ba 'tong pinasukan ko?
"L-Lalabas na ako..." Bulong ko at naramdam kong tumulo na pala ang luha ko.
Pero mas ikinagulat ko nang pagkatalikod ko ay wala na akong makita kundi ang isang napakalaking pader na gawa sa bakal.
N-Nasa'n na ang gate..?
Lumapit ako sa pader at tinitigan 'toh.
Something's wrong.
Nilibot ko ang paningin ko at wala manlang akong nakitang gate o pinto.
Anong nangyayari? Anong meron dito? Anong lugar ba 'to?!
Halos mabaliw ako sa kakaisip.
"Tulong! May tao ba d'yan?!" Sigaw ko.
Baka may tao rin dito.
Halos mahilo ako nang nakaramdam akong pagpalo ng kung ano mang bagay sa ulo ko.
"Help.."
And everything went black.
***
-MySsTEriOuS_GiRl-
BINABASA MO ANG
ESCAPE [ON-GOING]
Mystery / ThrillerPa'no kung pagising mo, ibang lugar ang bubungad sa'yo? At malalaman mo na lang na pwede kang mamatay kung nasa'n ka ngayon. KILL is the only way to survive. What will you do? KILL or TO BE KILLED? Wanna know what will happen? Come and join.