Mukha ba akong nagbibiro?

14 1 0
                                    

Alam niyo ba yung feeling na pumapasok nalang kayo sa eskwela para ganahang pumasok ang mga may gusto sa'yo? Ang hirap, dre. Kahit nakakatamad ng sobra pero kailangan mong gawin. Baka bumagsak pa ang mga grades nila. Kawawa naman.

"Yo, Kyle. Akala ko ba hindi ka papasok ngayon?" sinalubong ako ng barkada ko. Eh akala ko ba di rin sila papasok ngayon? Tss.

"Trip ko lang. Teka san punta niyo?" ngumisi naman ang tatlo sakin. Mukhang alam ko na.

"Wag na nga kayo mag-cutting. Mag-tatime na oh!" at pinakita ko sa kanila ang bago kong relo. Hahahah.

"Yabang mo talaga! Aba, mukhang mali ang posisyon mo sa kama nung gumising ka kaya iba ang gising mo ngayon ah." isa-isa nila akong binatukan at dinamba. Pinagtitinginan na kami ng ibang studyante kasi dito ba naman kami sa hallway nararambolan.

Sabay-sabay kaming naglakad papunta sa room dahil nga malapit nang mag-bell at hindi pa ako nakakakopya sa assignment namin sa Physics. Bigla akong napatingin sa kumpol ng mga estudyante sa may bulletin board. Ano kaya ang meron ngayon?

Mabilis naman kaming nakasingit dahil kilala kami nang halos lahat ng studyante sa campus. Syempre kami pa. Lalong-lalo na ako.

Miss Infinity Sweetheart 2014

Happening on November 23, 2014

Support your reigning candidates!

Hindi ko napansin na November na pala at magkakaroon na naman ng pageant. Ayos! Bukod sa mga detalye tungkol sa contest ay nakapost rin ang mga litrato ng mga contestant at ito lang ang masasabi ko, ANG GAGANDA! Hanep sa kinis. Karamihan sa kanila ay kilala na rin dito sa campus pero marami rin namang baguhan at ilan sa kanila ay si...Jillian?!

"Wow 'tol! Ayos malapit na pala 'tong pageant." nag-apiran silang tatlo maliban sakin na hanggang ngayon ay di parin makapaniwala sa nakikita ko.

"Oh pare, anong nangyare sayo?" at sa wakas ay napansin rin nila akong tulala.

"Hoy..." niyugyog na nila ako. "Ahh..si Jillian oh!" nakita kong nanlaki rin ang mga mata nila sa nakita nila. Sigurado akong maging sila ay hindi makapaniwala na sumali si Jillian sa ganitong klaseng kahibangan. Ang kayang nakain nun?

"Kaya naman pala eh. Nakita kasi si Jillian. Tsk tsk. Sabihin na kasi." bigla akong natauhan sa huling sinabi ni John.

Simula palang Elementary ay kilala ko na si Jillian. Halos lagi pa nga kaming classmate eh. Pero simula narin noon ay bad trip na bad trip na siya sakin kaya ang turing niya sakin ay ''greatest enemy" mapahanggang ngayon. Hindi ko rin naman siya masisi kasi lumaki akong mahilig mambully ng iba pero hindi naman yung nakakasakit. Ang mga patama ko ay para lang sa mga pikon at isa na dito si Jillian. Naaalala ko pa noon kung paano siya mamula dahil sa galit at hinahabol niya ako ng walis tambo sa room hanggang umabot kami sa corridor. Hanggang sa umabot kami ng highshool ay ganun parin ang setup namin. Minsan nga malapit na naming madamay ang curriculum head sa rambol namin nung bigla nalang itong dumaan sa harap ng room. Kaya ayun, kilala ako sa school bilang isang patibong sa biruan. Pero isang bagay lang ang alam kong totoo..

"Oy, may assignment na ba kayo sa Physics mamaya?" biglang singit ni Sid. Epal talaga neto. Oo nga pala, ang assignment ko!

Nag-unahan kaming tumakbo papunta sa room. Nandadaya pa si John dahil nagkukunwari pa siyang may dumi sa uniporme namin. Sus! Style niya laos! Syempre sa huli ako ang nauna. Nadaya ko kasi sila ng may chic na dumaan kaya ayun naestatwa ang tatlo. Hahaha. Ang galing ko talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mukha ba akong nagbibiro?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon