Mataba ako, eh ano ngayon?!

61 2 2
                                    

Mataba daw ako, sabi nila

Oo na, sige na, halata naman, di ba?

Hindi na kailangang ipagsigawan pa

Dahil sa una palang tanggap ko na.

Bakit daw ba hindi ako magdiet

Para maalis ang mga tabang nakaipit

Eh sa ayaw ko nga, bakit ba mapilit?

Tantanan niyo ako baka gusto niyong mapitpit.

Mga braso ko'y naglalakihan

Sa handaan pwede na daw saluhan

Ang mga binting nagsusumiksik sa laman

Kanila daw ibebenta sa katayan.

Aray ko po! Ang sakit naman

Sa isip ko di naman ako ganun katabaan

Mabilog at malaki man ang tiyan

Sa Sumo Wrestling, di pa pwedeng ipanlaban.

Nakakainsulto na ah, gusto ko ng manapak

Mga panunukso nila'y sinamahan pa ng halakhak

Ang pasensya ko'y kanila ng winasak

Baka gusto nilang ang Eiffel Tower sa kanila'y bumagsak.

Ang mga tao ngayo'y sobra ng mapanghusga

Sa mga bagay na wala namng kinalaman sa kanila

Bakit sarili nilang kapangitan di nila makita

Kung makapanlait, akala mo'y wala silang sira.

Kasalanan bang maging mataba?

Eh sa eto ako wala na kayong magagawa

Pintasan niyo man katawan ko ng walang sawa

Wala akong pakialam dahil wala kayong mapapala.

*hmmm....mga tao nga naman... nakakairita na s tenga... pauli-ulit. Sila pa yata ang proud eh... Mga sirang plaka lang. Buti na lang adik ako, keribels lang. Mas masarap mag-adik kaysa sa pumatol sa mga kung anu-anong ka-echosan.!I love my body. Pinaghirapan kung  patabain to eh. Bakit ba??!!  Wahahahahahahaha! :P

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's All About meTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon