Chapter 1

7 3 0
                                    

Year 1998

"Habang pinagmamasdan ko ang mga tao na nasa ilabas, na tila nagagawa ang lahat ng mga gusto nila samantalang ako na nakakulong sa isang madilim na bahay at hanggang tanaw nalang sa aming bintana. sobrang hirap at nakakalungkot talaga, yung tipong para nalang ako nanunuod sa telebisyon". 

Ang batang si telesca ay isa rin batang katulad naten na gustong maglaro at gawin ang mga gusto naten sa buhay. Ngunit may mga hahadlang sa kaniyang  buhay pagkabata.

"Inay, maari po ba kong maglaro sa labas?

"Naku wag na! Sayang ang oras mo puro ka laro mag aral ka nalang sa iyong silid. Pasok!!

"Sige po inay.."

Malungkot na pumasok si Mira sa kaniyang silid. Wala na siyang ibang magagawa kundi magaral ng magaral.

"Sayang naman, gusto ko pa namang maglaro sa labas at makita ang mga magagandang bulaklak".

Pinalipas ni Miracle ang hindi pagpayag ng kaniyang ina. Kaya patuloy siyang naging positibo.

"Wala naman akong magagawa ako'y isa lamang bata at kailangan sundin ang aking mga magulang".

"Anak, matatapos ka na ba? Hay nako apaka bagal mong bata ka. Kanina pa ako nagiintay sayo, at kanina pa nagsisimula ang misa".

"Pasensya na ho Inay, hindi na po mauulit."

"Nako daming mong drama!"

Pumunta ng simbahan kagad ang mag ina.
saktong nagsisimula palang ang sermon ng pari. Maya maya lamang ay  Nawala ang atensyon ni Miracle dahil sa batang may hawak na lobo. nagustuhan ito ni Mira dahil  ito ay makulay at may mga malilit na disenyo. Titig na titig ang munting bata na si Miracle. Ngunit..

"Anak, ano kaba? nakikinig kaba?"

Tila pagalit na bulong na sinabi ng kanyang ina.

"Pasensya na po ulit inay, gusto ko po kase ang lobo na iyon"

"Makinig kana ulet sa pare"

Nakinig naman ang batang si Mira, kaya agad uli silang nakinig sa misa ng pare. Nang matapos na ang misa agad na tumukbo si Mira..

"MIRA!!! ANAK!!! MIRACLE!!!

Sigaw ng kaniyang ina.

Tumakbo papunta sa bilihan ng lobo at laruan si Miracle.

"Inay ohh ang ganda po ng lobo pwede niyo po ba ako ibili nito?"

"Hay nako hinde umuwi na nga tayo. Ala kang mapapala sa lobo lobo nayan walang kwenta yan may mas kwenta pa ang paglinis at pagaaral mo sa bahay!"

Nagulat at nalungkot ang batang si Miracle. Sa sobrang lungkot niya ay napaluha nalang ito.

Nang makauwi na ang magina..

"Nak, bilisan mong magbihis. Magluto at magsaing kana kagad. Baka magalit ang iyong itay pag nakitang ala pang sinaing"

"Opo inay"

Sagot ni Miracle sa kaniyang ina.










BEAUTIFUL IN PRISONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon