Prolouge

4 3 0
                                    


"I'm breaking up with you" sabi nya bago nya ako tuluyang talikuran. Umuwi akong luhaan sa bahay, gabi na noon. Kaya nag taka ako nung makita ko si mama at papa na nasa sala. Kita ko sa kanila ang pag-alala ngunit lamang parin ang galit nung makita nila ang itsura ko. Hindi na ako nag-assume pa na itatanong nila kung ano mang nangyari sa akin. Pero nagka-mali ako, nagka-mali na naman. Ipinaliwanag ko sa kanila ang nangyari. Pero hanggang ngayon palaisipan parin para sa akin ang kaniyang dahilan kung bakit nya yon ginawa sakin. Sa kalagitnaan ng aking pagpapaliwanag ay ang patuloy na pagpatak ng aking mga luha, at sa hindi inaasahang pagkakataon. Sinampal ako ng aking ina.

"Lumayas ka dito at wag na wag ka ng babalik, una palang sinabihan na kita na hindi makakabuti sa iyo ang pag no-nobyo ngunit hindi ka nakinig". sabi ni mama na nang-gagalaiti sa galit "Ma", yon nalang ang tangi kong nasabi at patuloy ang pag-bagsak ng aking luha. Tumingin ako kay papa at ganun nalang ang awa ko sa aking sarili ng makitang wala man lamang syang ginagawa para sa akin. "Pa, I'm sorry" sabi ko ngunit nag-iwas lamang sya ng tingin sakin. Tinalikuran ko sila dala ng sama ng loob. Alam kong nakakabastos yun ngunit yun nalang ang paraan ko upang hindi nako mahirapan pang umalis.

Pumasok ako sa aking kwarto at kumuha ng mga gamit. Wala akong ideya kung saan ako paroroon. Wala ako ng lahat. Walang pera, walang kaibigan, tapos wala pang nag-mamahal. Ang saya naman ng buhay na meron ako. " Akala ko nung iwan moko ay yun na ang pinaka-masakit na bagay na mangyayari ngayong araw na ito ngunit nagkamali ako, nagkamali na naman. Dahil mas masakit ito" bulong ko sa aking sarili. "Kaya, BAKIT AKO?" dagdag kopa...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 27, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit Ako?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon