Misteryo Sa Tabing Ilog
Harilyn Baluyot
“Hindi makukumpleto ang barkada kung walang tanga kaya kung isa ka sa kanila ay maging proud ka dahil napapatawa mo sila”.
Actually maraming akong choices kung saang high school ako papasok. Pero mas pinili ko pa rin pasukan ang STI (Sa Tabing Ilog) kahit na sikat ito sa pagiging magulo, maingay at talaga namang kinakatakutan dahil sa maraming kaguluhang nagaganap sa lugar. Feeling ko kasi mas may thrill kung dito ako magaaral dahil mas madaming iba’t-ibang klase ng tao ang makikilala ko. Para sa akin it is a new adventure dahil nga nasa bagong environment ako na malayo sa kinasanayan ko.
“Nasasabik sa unang araw ng eskwela taas kamay with confident let’s do the first day high”
katulad nga sa kanta ng first day high totoong nasasabik ako sa unang araw ng eskwela kahit medyo late ako. Kaya agad-agad kong hinanap ang aking section. Ngunit ng pumasok na ako sa aking respective room ay nagulat ako dahil hindi karespi-respito ang mga itsura ng mga classmates ko. Mukhang kasi silang mga sanggano pero first impression ko lang naman yon! Nasanay na rin kasi ako sa kanila habang lumilipas ang mga araw.Naloka lang ako ng mag assigned yung teacher ko na maglista ng noisy. Ano to extension ng elementary na kailangan yumoko sa desk para maalis lang sa noisy list.
Sa bagay kampante naman ako na hindi ako malilista sa noisy dahil behave akong bata at wala nang pwedeng kumontra dahil ako ang bida sa istorya. Yun na nga, dahil na transfer yung classmate kong na naassigned para maglista ng maiiangay na bata sa ibang section. Ako ang pinalit ng aming kagalang-gaalng na guro sa trono ng classmate ko dahil mukha daw akong mabait at tahimik. Sabi ko sa inyo eh! Kaya naman kinarir ko ang paglilista at pagsasaway sa mga batang walang alam gawin kung di makipag harutan at makipagdaldalan. Dahil sa sobrang ingay ng mga classmate ko pinagsabihan ko sila na isip bata. Abay sagutan ba naman ako na “palibhasa isip matanda ka eh”! na high blood ang lola nyo, nagpintig ang mga tenga ko sa mga narinig kaya naman tumayo ako sa harap at nagsisisigaw habang pinapagalitan at dinuduro-duro ang mongoloid kong classmate as in hysterical na ang drama. Pero syempre joke lang yun! Di ko naman talaga ginawa yun nginitian ko lang yung classmate ko takot ako eh. Ang laki kasi eh mukhang hired killer pa. Ano naman laban ng musles ko dun diba.
Second year na ko, buti na lang nalayo na ko sa mga pasaway kong mga kaklase noon. Nagkaroon ako ng mga bagong barkada. Nakakatuwa lang isipin na di lang mga estudyante ang sadyang kakaiba sa eskwelahan na ito pati rin ang aming guro. Nakaugalian ko na kasing umupo sa armchair pag wala pang teacher kahit bawal baka daw kasi masira. Minsan ng mahuli ako ng teacher namin na nakaupo sa armchair pinagsabihan nya ko na hindi ganyan ang pagsira ganito.(habang binalibag ang upuan) diba sya nga tong naninira ng upuan tapos ako pa ang pinagsabihan. Mabait naman si Ma’am Mata may topak nga lang kong minsan. Ewan ko ba kung bakit bigla kong na miss ang pagkabata kaya naman niyaya ko ang mga classmate ko makipaglaro ng habulan. Aba’y sinakyan naman nila ang trip ko at pumayag makipaghabulan sa loob ng classroom habang nagtuturo si Maam Mata. Mukhang imposible diba? Pero oo nagawa naming yun sa pamumuno ko. Habang nakatalikod si Ma’am Mata upang magsulat sa black board. Dito na kami lumilipat-lipat ng pwesto para hindi mahuli ng taya. Back to normal na kami paghaharap na si Ma’am Mata na parang wala naman napansin kahit iba na ang seating arrangement namin.
Break time namin noon ng minsan bumaba ako para mag CR nang nasalubong ko ung batang monggoloid na classmate ko ng first year. Wala naman ibang daan kaya naman dumiretso ako ng lakad para banggain sya. Alam nyo ba kung anong nangyari? Syempre hindi nyo pa alam kaya sasabihin ko na. Ayon lagapak sa lupa ang mukha at ang nakakatawa pa parang nagswimming ng free style ang dating ko. Oo hindi ka nagkakamali, tama ka! Ako nga, ako na nga ang nangbangga ako din ung tumumba. Lalaki ba naman ung binangga ko eh, malay ko bang di iiwas ayun pinanindigan ko na lang tuloy. Actually binaon ko na nga sa limot ang lahat. Shinishare ko lang.
Goodbye sophomore, welcome junior! Dahil first day of school syempre bago na naman ang mga gamit at sapatos. At dahil third year high school na ko rumarampa na rin ang aking bonggang high heels, pero di pa ko nakakapasok ng classroom humihingi na ng saklolo ang aking takong dahil malapit na syang bumitaw sa pagkakakapit sa aking sapatos. Hindi din nagtagal natuluyan na nga ang aking takong nang eksaktong pagpasok naming ng silid. Malas! Akala ko tapos na ang problema ko dahil nasa loob na ko ng classroom at walang nakakaalam sa sikreto kong malupit, pero kailangan pa pala namin lumabas ng classroom para sa orientation. Nawindang tuloy ako sa mga pangyayari at kung tatanungin nyo kung pano yung windang, ito lang ang masasabi ko, mawindang din kayo sa kakaisip para kwitch. Nakakahiya naman kasi kong makikita ng madlang people na ang isa kong sapatos ay wala nang takong. Kaya naman bago ako lumabas ng classroom ay may naisip akong bright idea.tinggggggg! sinira ko ang isang takong ng sapatos ko para magpantay sa isa nitong pares. Medyo nahirapan nga ako eh pero dahil ginamit ko ang supersayans ko naging successful naman ako at naging instant flat shoes ang finish product ko. Nahiwalay na naman ako sa mga luma kong barkada naiba kasi ko ng section dahil tumalino ko ng unti. Wala ba kayong mga kamay? Palakpakan!
Pero nagkaroon naman ako kaagad ng mga bagong kaibigan na tinawag naming 5n na binubuo nina harilyn,Merlyn,jane,Elaine at lynn. Di ko na siguro kailangan mag explain kong bakit yan ang naging pangalan ng grupo namin dahil obvious naman na lima kami at sound letter n lahat ng last syllables ng pangalan naming, pero nagexplain pa rin talaga ako. Nauso ang grupo-grupo sa section namin . May mga grupo ng mga babae na ang alam lang gawin ay ang magmake-up at magpacute sa mga lalaki. Meron din naming mga grupo ng lalaki na feeling F4 kahit malayo naman sa katotohanan. Buti na lang talaga ang 5n maraming alam lalo na sa larangan ng mataya-taya , consentration at sa 7-up tuwing break at vacant time. Di naman kami isip bata sadyang nakakatuwa lang talaga ang gawaing pang bata pero di naman kami papahuli sa pang academics na gawain, mga pangalawa lang sa huli.
Ang saya ng araw ko nang mga panahong iyon, ilang minuto na lang matatapos na ang break time at chemistry time na. Katulad ng dating gawi naming ng 5n maaga kami maghihintay sa labas ng laboratory para maghabulan. Ako ang taya that time kaya tuwang-tuwa ako nung nataya ko si lynn. Tumakbo ako ng bonggang bonggang to the highest level habang hinahangin ang aking pang commercial shampoo na buhok. Huminto ang mundo ko nang ma out of balance ako nang padapa. Hinangin lang naman ang palda ko ng pataas pero di pa ako agad tumayo gumulong muna ako paharap at umupo para magmasid kung may testigo sa nasabing krimen. Jackpot! may nakakita nga freshmanat batang lalaki pa. Aba’y wagas kung makatawa habang tinatawag ang classmate nyang lalaki habang tinnuturo ako. Akala mo comedy bar ang napuntahan. Naalala ko tuloy ulit ang classmate kong monggoloid nang first year. Sinumpa ata ako noon kaya lagi akong minamalas kahit third year na ko.
Yehey! Senior na ako! Dahil sa sobrang excitement ko nalate na naman ako. Medyo kakaiba ang mga naging classmate ko ngayon dahil mukha kaming nasa jungle. Pano ba naman kasi pinaliligiran ako ng mga exotic faces kahit saan ako lumingon.charot lang! kakaiba kasi yung mga personality nila mas nakakatuwa at exciting sila kasama.Pero dahil animal lover ako napalapit agad ang loob ko sa kanila.Marami talaga akong natutunan at marami ring mga masasayang karanasan ang sa akin ay nagpapaalala. Tama nga ang sabi ng sikat at talaga naman hinahangaan kong manunulat na “Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”
P.S (pahabol na sulat)
Para sa lahat ng mga mambabasa malugod ko pong pinapaalam sa inyo na hanggang ngayon ay wala pa ring nakakaalam ng misteryo Sa Tabing Ilog.
BINABASA MO ANG
Misteryo Sa Tabing ilog
Humor“Hindi makukumpleto ang barkada kung walang tanga kaya kung isa ka sa kanila ay maging proud ka dahil napapatawa mo sila”.