COHCA 32

46 6 3
                                    

Genesis/Peiris POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko.

nag unat ako at tumayo na, nakita kong mahimbing pa din ang tulog ni Seb pero wala na sa tabi niya si Austin

Nasan kaya yun?

lumabas ako para hanapin siya, nakita ko siyang nakaupo sa may Duyan, kaya naglakad ako papalapit sa kanya

"Masakit ba sugat mo kaya maaga ka nagising?" tanong ko
napalingon siya sakin

"Gising kana pala, Good morning din" Sabay ngiti niya sakin

"Hindi naman ako nag goodmorning sayo ah!" Angal ko
umupo ako sa may upuan na nasa gilid niya

"Hindi ba? Kala ko ganun ka bumati"

"Pshh! hindi mo sinagot yung tanong ko ee"

"Kanina masakit pero nung nakita kita nawala na" Ngumiti ulit siya sakin

"Alam mo ikaw hindi ka matinong kausap, diyan kana nga!" inis na sabi ko at akmang tatayo nang hinila niya ako pabalik sa pagkakaupo

"Nagbibiro lang naman ako, Medyo masakit pa yung sugat ko" Sabay taas niya ng damit niya

Nadudugo iyon at kailangan ng linisan

"Tara linisan na natin yang sugat mo" Hihilain ko na sana siya ng pigilan niya ako

"Dito muna tayo,Gusto kong sulitin yung mga pangyayaring ganto kasama ka. magkwentuhan muna tayo"
tinignan ko siya sa sinabi niya

"Ano bang gusto mong pagkwentuhan natin?" masungit na sabi ko

"Gusto kong malaman kung kamusta ka"

tinaasan ko siya ng kilay

"Diba dapat ikaw kinakamusta ko kasi ikaw yung may dinaramdam na sakit, ikaw ang labo mo talaga kausap"
napailing siya habang nakangiti

"Baliw kana ba?" tanong ko

"Oo baliw sayo!"

"Hoooy kung akala mo madadaan mo ako sa mga ganyan mo pwes hindi!"
Biglang nagseryoso ang mukha niya

"What?!" tanong ko

"Hindi mo ba talaga ako maalala? pati ang nakaraan natin" malungkot na tanong niya

"Hanggang ngayon ba naman pinipilit mo pa din na ako si peiris? Ehh ano naman kung ako nga si peiris? Ako man siya o hindi wala ka ng magagawa para makabawi, bukod sa hindi ko kayo maalala o ang mga nakaraan natin, patay na siya para sakin. Kaya please austin move on, ilibing at palayain mo na yung pagmamahal mo kay peiris"
nakita kong tumulo ang luha niya.

tumingin siya sakin sabay iling

"No peiris i won't give up on you, kung kailangang ipaalala ko ang lahat sayo gagawin ko--

pinutol ko ang sasabihin niya

"kahit yung masakit na part?" tanong ko

"Yung masakit na part? Yun yung gusto kong iexplain at ihingi ng tawad sa kanya kung bibigyan lang niya ako ng pagkakataon"

"Alam mo sasaktan mo lang sarili mo"

"Okay lang, wala to kung ikukumpara sa sakit na dinaas mo noon dahil sa pagiging duwag ko"

bakit nasasaktan ako habang nakikita siyang umiiyak?

"Kaya Peiris hindi kita susukuan kahit ilang beses mo pa akong kalimutan, kahit ilang beses mo pa akong pagtabuyan"

WOHC Book2:Can our Hearts Collide AGAIN?(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon