1

58 1 0
                                    


Hindi ako makapaniwalang  nangyayari ito ngayon.

Nandito ako ngayon, sa harap ng altar, habang naglalakad tanaw ang aking pinaka mamahal.

Nakikita ko na siyang nagpupunas na ng kaniyang luha.

Ang sarap sa mata, hindi ko na yata kayang pigilan ang gustong kumawalang luha sa aking mga mata.

"Kary, may bago tayong kaklase."

Napa ngiti ako.

"Talaga? It is a boy?" Magiliw kong tanong.

Mabilis siyang tumango.

Sa aming samahan ay may laro kami.
Larong kami lang ang nakaka intindi.

Kung may bago dito sa school, pag tri-tripan namin. Pero slight lang, behave pa kami sa lagay na iyan.

"So what's the Plan?" Nakangisi kong tanong.

"Kary, it's your turn. It's a boy. The plan is, just like a clingy and ewwy stories, you should make him fall for you." Napairap ako.

Ang dali lang naman.

Sino bang hindi maiinlove sa akin?

They say, I'm perfect. Perfect package to be exact.

"So easy girls." Tumawa sila.

"Yakang yaka sa feelings Kary?" Umiling ako.

"It's called believing your soul." Nag high five naman kami ni Dimple.

"Well ito na nga, you should make him fall for you. But there is a twist." Nakuha naman ni Cheey ang atensyon ko.

"Anong twist?" Naging tahimik kaming lahat.

"Make him fall for you pero wala kang pwedeng gawin." Nag protesta ako.

Ano yun? Hello, lahat ng bagay pinaghihirapan.

What if yung lalaki pala nayun ay gusto ng babaeng ma effort?

"Give up ka na?" Nakangising asar na tanong ni Cheey.

My pride, we will rise up.

"Never, it's a game."

Sa larong iyon pala mabubuo ang aking pagkatao.

Sino bang mag-aakalang hahantong kami sa ganito?

Hahantong kami sa matinding pagmamahalan na kahit sino man ay hindi kayang tibagin.

"Introduce yungself." Nakatutok lang ako sa kaniya.

He is my target.

Umiling ito. Nangunot ang noo ko.

Papahiyain niya ba ang sarili niya? Sa harap talaga ng klase?

No way!

"Nahihiya ka ba Mr. Apollo?" Umiling lang ulit ito.

Napangiwi ako, nilingon si Dimple.

He's weird.

"Okay, you can have a seat now Mr. Apollo. Naninibago ka lang siguro."

Finally, nag-angat siya ng tingin.

Woah, he has gray eyes. My weakness.

Sa hindi malamang dahilan ay nagkasalubong ang aming mga paningin.

Ang lalim, I can't see the emotions through his eyes.

That's a first.

Naupo siya sa likod.

Ignore The WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon