Katahimikan

0 0 0
                                    

Mabining huni ng mga ibon
Banayad na haplos ng hangin
Manaka nakang ugong sasakyan
Tanging maririnig sa gilid ng daan

Tahimik na nakaupo sa tabi
Anu nga bang nangyayari
Unti unting nawawala sa sarili
Nilulukob ng matinding pighati

Muling binabalikan ang nakaraan
Saan nagkamali tanong ng isipan
Gustong akuin lahat ng kasalanan
Upang maibsan ang bigat ng kalooban

Ilang ulit mang humingi ng kapatawaran
Hindi maitatanggi ang buong katotohanan
Hindi na kailanman matatakasan
Umabot man sa punto ng paglisan

Tanging magagawa na lang ay pagsisihan
Hindi man ito magagawa pang balikan
Muling pagbangon ang tanging paraan
Dahil sadyang mahirap itong kalimutan

Hanggang saan ang kaya mong lakbayin
Kung sa bawat hakbang hirap kang gawin
Gaano katagal ang kailangang hintayin
Upang sarili ay tuluyang palayain

Kung sana sa bawat pagbuhos ng luha
Unti unti mawala ang sakit na nadarama
Kung sana sa bawat pagdilat ng mga mata
Ang kalakip ay hangaring hindi na maulit pa........

Random ThoughtsWhere stories live. Discover now