Cake
Nag post si Star sa harap nina Mae at Lilac. Parehong napanganga ang mga ito nang hagurin ang suot nyang hot pink dress na may malapad na black belt. "Girls, how do you like my dress for today?"
"Awesome! " bulalas ni Mae, na exaggerated na nakatuop ang isang kamay sa bibig.
"Fabulous! "komento naman ni Lilac na suminghap pa.Kahit gasgas ang mga narinig niyang papuri mula sa mga kaibigan, pati ang aksaheradang facial expression ng mga ito habang pinupuri siya ay napangiti parin siya "It's one of the latest from LV. "
"Wow!" halos sabay na bulalas ng dalawa. Walng ginawa ang mga ito araw-araw kundi hangaan ang bawat suot at gamitin niya.
She was self-confessed fashion addict. At hindi biro ang sinusuot at ginagamit niya. Halos lahat ng gamit niya ay imported, kung hindi man, gawa ang mga iyon ng mga kilalang designer sa bansa.
Shopping was her number one hobby. Beauty and fitness came first to her. May sarili siyang beauty salon sa kanilang mansyon. Mayroon din siyang sariling beauty stylist. She could very well afford that anyway.
Kaisa-isang anak at tagapagmana siya ng mga Dela Vega na isa sa mga pinakamayayamang pamilya sa bansa. Kaya lahat ng gustuhin niya ay nakukuha niya.
Sina Mae at Lilac ay pumapayag na magmistulang mga alalay niya dahil sinu-supply-an niya ang mga ito ng mga imported goods. Tulad niya ay kikay rin at mahilig sa mga designer's label na mga gamit ang mga ito. Idolo raw siya ng mga ito. Kapag may hinihiling siya kaagad na sinusunod ng mga ito. Parati rin siyang pinapaulanan ng mga ito ng sangkaterbang compliments.
"Your shoes are gorgeous!" dagdag pa ni Mae.
"It's Prada," imporma niya.
"Your handbag is so cute!" sabi namanni Lilac na nakakagat-labi pa habang nakatitig sa kanyang bag na parang gustong papakin yon.
"It's Givenchy," imporma uli niya.
"Your perfume... " nilanghap pa siya ni Mae. "I love it!"
"That's Channel Number 5." Nag simula na siyang mag lakad sa hallway ng eskwelahan. Sumunod naman ang dalawang kaibigan niya.
May nakasalubong silang dalawang lalaki na nag "hi" sakanya kaya nag "hi" rin siya pabalik sa mga ito.
Hindi naman siya suplada pero hindi siya nagpapaligaw. Engaged na kasi siya kay Van Alvarez, the man of her dreams. Well, they were unofficially engaged because there was no formal announcement or whatsoever. Wala sin silang relasyon. Pero pinagkasundo sila ng mga magulang nila na silang dalawa ay ipapakasal balang-araw. Kaya hindi siya nagpapaligaw.
Naniniwala siya na perpekto sila ni Van sa isa't-isa. Maganda siya, gwapo ito. Pareho silang heredero at heredera. Matalik na mag kaibigan ang mga magulang nila. Most of all she liked Van so much. Mga bata palang sila ay crush na crush na niya ito. Kasalukuyang nasa amerika ito at nag aaral. She was nineteen years old and Van was twenty-two years old. Kapag tumuntong na sila sa tamang edad ipapakasal na sila ng mga magulang niya.
Her life was perfect so far. Walang pangyayari sa buhay niya na hindi niya gusto. Well, mayroon pala. Ang kursong kinukuha niya sa Casa University-ang Civil Engineering. Nasa second year na siya sa kursong iyon.
BINABASA MO ANG
Casa Academy
RomanceRuth hated Gray. Dahil dito ay tumakbo siya bilang presidente ng Student Council ng engineering upang kalabanin ito. Sa lalong pagkainis, pinagtawanan sya nito at minaliit ang kakayahan niya. Kaya ipinangako niya sa sarili na gagawin niya lahat par...