Chelsea's POV
"Sa tingin mo sinadya kayang pasabugin talaga at sa mismong birthday mo pa."
"I don't know i was seven years old back then."
"Kaya pala marami kang nakalimutan dahil masyado ka pang bata noon" sabi ni calla na nakahawak pa ang kamay sa baba.
"Yup at sabi ni dad hahanapin nya yung video noong 7th birthday ko. " gustong gusto ko din talaga mapanood yun.
"Ano pang sabi ni sir sayo? "
"Na trauma si mom nung araw na yun" alam kong bilang lang ang sinabi nya sakin kaya tama lang napinasok ko ang office ni dad.
"And then? wag ka naman pabitin. "
"Wala syang sinabi, kaya calla tulungan moko mag susuper science ulit tayo sa office ni dad. "
"Anong super science, super saiyan yun. "
"Parang hindi naman hame hame wave nalang" arte talaga nito kaya walang jowa e.
"Hindi ba sabi mo sakin walang cctv sa office ni sir edi libre tayo mamaya maka puslit. "
"Oo pero kailangan ko pa rin makasigurado" sagot ko dahil nakakasigurado akong nakatago lang yun sa gilid gilid.
"Pero matanong ko lang hindi ba nasabi ni sir yung past ni ma'am wag ka magalala di mo naman kailangan ikuwento. "
"Ang sabi lang ni dad dahil daw naaalala at nakokonsensya pa din daw si mom sa nangyari sa best friend nya noong araw ng birthday ko. "
"Namatay ba? " tanong nya sa pinaka malungkot na mukha.
"Hindi din nila alam dahil dinala daw sa ibang bansa para dun tuluyang ipagamot she is actually my ninang. " pagkasabi ko nun sabay naputol ang usapan namin dahil nag ring ang phone ko.
"Hello goodmorning ma'am Cortez this is Zyra the home owner--
"Yah i know goodmorning and whats the matter? " agang aga gustong maging fierce agad ako.
"Ma'am there's a complainant here it's better if you go and settle the problem at the office of Forbes Ville."
"What? Okay i'll be there. "
"Sino daw yun che? "
"May nagrereklamo daw sakin sino naman kaya yun baka nagkamali lang, halika samahan mo ako. "
"Hindi muna ba ikaw mag papalit? Ako okay lang na naka maids uniform e ikaw baka makita ka ni sir? " tanong ni calla sakin dahil katatapos lang namin maglinis ng 1st and 2nd floor sina yaya Nina na bahala sa 3rd at mga guest room.
"Okay na yan mamaya pa naman ang alis ko e. "
"At san naman ang punta mo isama mo naman ako tapos naman na tayo maglinis e. "
"Sa Vet ang punta ko isasama ko si diggie baka maboring kalang. "
"Syempre isasama mo talaga si diggie sa vet alangan naman pumunta ka dun para sa sarili mo. "
"Ay wala ka nga palang alam ikukuwento ko sayo sa ibang araw kaya tara na! "
Hindi na kami nag palit ni calla ang suot ke madungis kami okay na yun baka magwala kase yung nagrereklamo hindi ko maalala na may nagawa akong mali nag lakad lang kami ni calla dahil malapit lang sa amin ang office ng south Forbes.
"Che sya ba yung complainant ang gwapo bes" naisip nya pa yun e wala ngang ginawa kundi sipsipin yung lollipop nya.
"Gwapo nga pero sakin ang panig mo hindi kita tuturuan sa mga na skip mo nung di ka pumasok sige. " bulong ko kay calla habang sinasabi sakin ni zyra ang reklamo nung lalaki pagkatapos ay lakas loob ko syang hinarap.
YOU ARE READING
Seven Roses (Season 1)
RandomAng lokohin ka at paglihiman ng mga taong akala mo totoo sayo ay tunay na masakit. Walang panlolokong hindi sinasadya yun ang pinili nila ang masaktan ka para lang mapagtakpan ang kasalanang kailanman ay hindi na mababago pa. Lahat ay planado parte...