Introduction

2 0 0
                                    


"Go captain!"

"Uppercut! Ganyan nga, sipain mo pa cap— aray! Bakit ako ang sinipa mo?"

"Tumahimik ka nga, magigising mo si Callie"

"Huh? E, mukhang malalim na po ang tulog niya"

"Just keep your mouth shut. Tara na at hindi pwedeng makatas muli ang traydor na 'yon"

"Aye aye cap!"

Naalimpungatan ako sa ingay na aking naririnig at bahagyang iminulat ang mata, napabangon ako at ikinusot ang mga mata at tumingin sa paligid.

Namilog ang mata ko sa nakita, I think that is a rat--- wearing a red soldier uniform while holding a sword. Napakurap pa ako ng ilang beses mukhang nananaginip pa ata ako a, Mas lalo ako napabalikwas dahil napapaligiran ang kama ko ng mga daga!

"You will never get away again, Rottel!"

"Who gave you that thought that I couldn't be able to escape? I already did twice and you think I wouldn't be able to do it again?"

Hinanap ng mata ko ang ingay na espadang nagkikiskisan at nagulat sa nakita. Is that my soldier figurine?

"I must be dreaming" He's fighting to a rat! Napansin ko ang daga na nasa bedside table ko at kinakain niya ang chips na itinabi ko para sana bukas!

"Shooo! Get away" aba ang kapal naman ng dagang 'yon! Kinuwa ko ang pink rabbit slipper ko at pinangsangga iyon para alisin ang mga daga na nasa kama.

"Miss Callie!" Nagkasalubong ang kilay ko dahil may kunehong lumundag sa tabi ko at tinutulungan ako alisin ang mga daga na nasa kama. Namilog ang mata ko dahil napagtanto ko na isa ito sa aking mga figurine and he talks?! Napatingin ako sa paligid. They are talking... the rats are also talking!

"Y-You know me?"

"Yes po, of course!" Ngumiti siya ng malapad habang winawasiwas ang espada sa mga daga

"Berry!" Parehas kaming lumingon sa sigaw na iyon at agad nasilaw sa liwanag na nagmula roon, nang humupa ang liwanag lumudag ang kuneho upang tumungo roon, napasunod din ako. Dinaluhan nila ang babaeng mukhang naging bato ata, Pero nagulat ako dahil ang babaeng iyon ang aking ballerina figurine!

"So long my friends!" Sakay ng kabayo agad kumaripas ng alis ang dagang nakalaban nila, Siya siguro ang leader ng mga daga.

"Hindi maari!" Agad din sumakay sa kabayong ginto ang sundalo, and that horse, it's also my figurine. Nasapo ko ang ulo ko dahil mukhang nababaliw na ata ako, this must be a dream it doesn't make sense!

"Miss Callie dito po muna kayo at pakibantayan si Berry" Kumaripas naman siya ng takbo upang habulin din ang daga, pero mukhang di nila ito maabutan. Kaya binato ko ang tsinelas ko at saktong tumama ito sa daga. Napangiti ako dahil sapol siya nito, pero agad din nakatayo ang daga at lumingon sakin na may masamang tingin.

Lumakad siya papunta sakin pero agad itong hinarangan ng sundalo at ng kunehong laruan ko

"Is that all you got?" Sumilay ang ngiti nitong nakakakilabot.

"I mean I could also step on you, since you are that small" Nginisian ko ito

"Oh! You wouldn't be able to say that after I do this to you" Kunot noo ko lang siya tinignan, bago niya pa maituro sakin ang kanyang armas ay agad ito nasipa ng sundalo

"You guys go ahead while I stop him!"

"Miss Callie tara na po!"

"Huh?"

"Sundan niyo po ako" Lito akong sumunod ngunit bago pa ako makalakad muli ay napahinto rin dahil tumigil sa pag takbo ang kuneho.

"Rabbit! Hey," Yumuko ako upang pagmasdan siya at mukhang naka freeze ito

"Let's see now what should I do with you" Tinignan ko ang daga at nakitang nasa paanan ko na ito, Ang sundalo! Where is he? Nakita kong naka freeze rin ito kasama ng kabayo

"I'm not scared of you"

"We'll see"

"Meddling human, towering tall, let my scepter shrink you small!"

"Lookout!" I heard the soldier mumble but it was too late, I couldn't move a muscle! I closed my eyes and shield my face with my hands embracing for an impact. At sa muling pagmulat ng mata ko, napaatras ako, The rat is towering me! I gulped as I looked around because everything looks big.

"Not so fearless now, hmm?

Once upon a DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon