"Pwede bang sa may bintana ako umupo?" ngumiti si Dami nang tumango si Soonyoung bilang sagot sa kanyang request. Dahan dahan na pinaupo ni Soonyoung si Dami sa upuan at dumeretso sa may bintana upang ayusin ang 2-person soda. Pagkatapos niyang ayusin iton at binalikan niya si Dami at binuhat siya papunta sa sofa. "Thank you" ngumiti si Soonyoung. Alam na alam ni Dami na pinipilit ni Soonyoung ang sarili niyang ngumiti kahit nasasaktan na siya. Pero gusto niyang magpakasarili ngayon, kahit ngayong araw lang, gusto niyang makitang ngumiti ang pinakamamahal niya, dahil mami-miss niya ito.
"Sandali lang ha? Kukunan lang kita ng tsaa" tumango si Dami, pagkatapos ay lumabas na ng kwarto si Soonyoung.
Pinagmamasdan ni Dami ang tanawin na nasa labas ng bintana. December 24. Sa mga oras na ito, malamang ay nagsimula na siyang lutuin ang mga paborito nilang pagkain. Malamang ay masaya sila habang inaayos ang Christmas tree. Pero iba na ngayon. Nanghihina na siya, wala na ring lakas ang kanyang mga paa para lumakad, paubos na rin ang lakas ng kanyang mga kamay, habang tumatagal ay lalo siyang inaantok, pero kinakayanan niyang huwag muna matulog. Gusto pa niyang makasama ang mahal niya, kahit sa huling sandal.
Nagpipigil ng luha si Soonyoung habang tinitingnan ang likod ng babaeng mahal niya. Ang dating mahahabang buhok niya ay ngayo'y wala na. Alam na alam niya sa sarili niya na nahihirapan na si Dami, pero di pa siya handa, di pa niya kaya. Bago siya lumapit sa kinaroroonan niya ay huminga siya ng malalim at sinubukang ngumiti.
"Dami-ah" napalingon si Dami sa gawi ni Soonyoung. Inalayan siya ni Soonyoung para makahigop siya ng tsaa. Pagkatapos niyang makahigop ay inilapag ni Soonyoung ang tasa sa night table na nasa kaliwang banda ng sofa. Umupo siya sa tabi ni Dami "Nilalamig ka ba?"
Kahit na umiling si Dami ay pinatungan pa rin niya ng kumot ang mga binti ni Dami. Ba't ang swerte ko at nakabingwit ako ng sobrang sweet at maalagng boyfriend? Nakaka-guilty tuloy dahil papaiyakin ko lang siya. Sabi ni Dami sa sarili niya.
"Dami-ah" marihing hinawakan ni Soonyoung ang kamay ni Dami.
"hmm?"
"Ang ganda mo"
"Tss, napaka bolero mo talaga" mahinang pinisil ni Dami ang pisngi ni Soonyoung. Mami-miss niya ang paghawak at pagpisil sa mga pisngi ni Soonyoung.
Napansin ni Soonyoung ang luhang nakawala sa mata ni Dami. Marihin niyang pinunasan ito "Umiiyak na naman. May problema ba? May masakit ba?" Umiling si Dami "Ano ba kasi ang iniisip mo?"
Sana hindi mo ako ma-miss ng sobra. Na sana maging masaya ka pa rin kahit wala na ako sa piling mo.
"Wala, naalala ko lang yung araw kung kailan ka umamin sa akin"
"Ey, wag mo na kasing alahanin yun, nakakahiya tch" napangiti si Dami sa reaction ng kanyang boyfriend. Kahit 4 years na silang magkasama, nakyu-kyutan pa rin siya kay Soonyoung. Naalala niya tuloy ang araw na iyon.
♫The day that I met the person I love,
there was no greater happiness that could've come to me.
Naturally, like many other couples,
we linked arms and walked the streets.
Because we're under the same sky
and feeling the same moment,
we're becoming more like each other♫
"Dami-ah" kinakabahang tawag ni Soonyoung kay Dami. Nasa isang sulok sila ng library kung saan ay wala masyadong mga estudyanteng dumadaan. Isang taon na silang magkakilala dahil naging magkaklase sila sa isang subject noong nasa kolehiyo pa lamang sila.
![](https://img.wattpad.com/cover/231133047-288-k384748.jpg)
BINABASA MO ANG
Last Snow Fall
Short StorySeventeen Oneshots #11 This story is purely a work of fiction