'END'
I typed on my laptop. Sa wakas nakatapos na ulit ako ng storya, ang hirap kasi makatapos ng story. Yung feeling na your full of ideas on your mind but you just can't write it. It's been very frustrating for me.
I grabbed my phone, tiningnan ko ang oras.
"2:00 am na"
Pero hindi parin ako inaantok. I looked at my bedroom window sobrang dilim na.
I went out of my bed and grabbed a jacket at saka ako tuluyang lumabas ng condo unit ko.
The hallways seems to be already quiet, probably their all already asleep.
Sumakay na ako sa elavator para makababa mula sa condo ko.
I walked myself to a nearby convenience store. I was only wearing pajamas and my jacket, malamig na kasi sa labas dahil madaling araw na.
I entered the convenience store at agad dumiretso sa estante ng mga chichirya. I grabbed some chips and putted it on my basket, I also grabbed some beer and then already went to the counter para bayaran ang mga kinuha ko.
"540 po lahat miss" the cashier said politely.
I grabbed money from my wallet at saka inabot sa cashier.
Kinuha ko na ang mga binili ko at saka lumabas ng convenience store. I already went back to my condo but decided to go to the rooftop instead of going back to my unit.
I immediately felt the cool breeze on my face pagkabukas ko ng pintuan ng rooftop. Niyakap ko ang sarili ko para mabawasan ang nararamdamang lamig.
Parang gusto ko nalang ulit bumalik sa kama ko, kaso hindi kasi talaga ako makatulog kaya okay narin to atleast I am overlooking the beautiful city lights.
Bumukas ang pinto ng rooftop at niluwa ang isang lalaki, he was wearing his jersey shorts and a jacket.
Dirediretso siyang naglakad at sumandal sa railings ng rooftop, hindi napansin ang aking presensya.
Unti unti ako naglakad papunta sa pinto at aalis na sana pero-
"Ciara?" Tawag sa akin ng lalaki mula sa likuran ko.
SHITTT
I faced him.
"Kael" I said while managing to put a smile on my face.
_____
"Let's break up"
Natigilan ako, sinusubukang iproseso ang mga salitang kaniyang binitiwan, ang mga salitang hindi ko malaman ang dahilan kung bakit parang napakahirap intindihin. Tatlong salita, ang naging laman ng kaniyang kataga ngunit parang napakarami ng kaniyang sinabi para hindi ko maintindihan ang bawat salitang sinabi niya.
"W-what?" Hirap na hirap kong tanong sa kaniya, sinusubukang kumpirmahin kung tama ba ang narinig ko. Kung tama bang gusto na niyang tapusin ang istoryang magkasama naming isinulat. Ang istoryang kung saan nakapaloob ang aming pagmamahalan, ang istoryang akala ko ay walang katapusan.
"I want to break up with you" sagot niya at saka tumungo.
Awtomatikong tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata.
"B-bakit?"
"Dahil napapagod na ako"
"N-napapagod?"
"Oo, napapagod na akong mahalin ka" sigaw niya.
Natahimik ako.
"You're joking right?" Sinabi ko habang tumatawa ng bahagya, sinusubukang tumigil sa pagluha.