"Paghanga"
Hindi naman ako gan'to dati
pero ngayon biglang nag iba na
Dati wala lang kapag nakikita kita
yung tipong wala akong pakealam kahit mabangga pa kita
May oras pa nga na hindi ako
makatingin sa mga mata mo ng diretso
Kasi natatakot ako.
Natatakot akong baka mabasa mo
sa mga mata ko ang
Munting pagtingin ko para sayo
May mga oras na ikaw ang nais makita
ng mga mata ko
Kapag nakita na kita tiyak masaya na ako
Ang babaw ng kaligayahan ko no?
Pero ano bang magagawa ko?
Humahanga ako sayo
Hindi ka naman Alak diba?
Pero bakit ang lakas ng tama ko sayo?
Yung tipong di mo naman ako binato pero tinamaan ako sayo.
Pero hayaan mo sana ako
Hayaan mo kong maging masaya dahil sayo
Wag ka sanang magalit kapag nalaman mo
Na ang nararamdaman ko.
Sapagkat hindi ko naman kasalanan to
Hindi ko to ginusto
Dahil nagulat nalang ako isang araw ikaw
na pala ang gusto ko.
Ngunit gayon paman,
Mas pipiliin kong ilihim nalang ang nararamdaman ko
Hindi dahil sa duwag ako,kundi dahil alam ko na
IKAW + AKO =mag kaibigan lang tayo
Bago matapos ang tulang ito
Nais kong mag pasalamat sayo
Salamat sapagkat isa ka sa mga taong napapasaya ako
Salamat sapagkat isa ka sa mga naging inspirasyon ko
Ayos lng ako kahit hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko
Sapagkat nalaman ko sa sarili ko na gusto ko ang sayang nararamdaman ko dahil sayo
Kaya salamat mahal ko.UN: UnnieKim16
Name: Rafaela Alfron. 20