ONE

31 0 0
                                    

" Thank you everyone! Once again this is Zoe Reign Callas the SC President" At last the meeting is now over. Ang hirap talaga maging part ng Student's council. Inaabot na ng gabi yung meeting para maasure na tama lahat ng ginagawa at maasure din yung safety ng mga students na sasama sa team building bukas.

" Reign, sama ka samin? Mag sasamgyup kami? " tawag sakin ng kamember ko sa SC na si Jade. Na nag aayos na ng gamit at handa nang umalis. Samantala ako eto nakaupo pa din at walang balak tumayo.

" Hindi na Jade. Mag gogrocery pa kase ako eh. Para sa mga dadalin bukas sa team building. " saad ko habang inaayos ang gamit habang nakaupo. Ikaw ba namang ilang oras nakatayo sa harap para idiscuss at i-brief sa lahat kung anong mangyayare bukas.

" Okay. Sasabay ka ba sa bus bukas o mag dadala ka ng car mo? " tanong ni Drake.

" Mag dadala ako ng car. Para hindi na ko pumunta dito sa campus bukas. Kayo ba? " tumayo na ko at kinuha na yung bag ko tsaka nag lakad palabas ng meeting room.

" Si Tyler, at si Drake mag dadala ng sasakyan. Tapos si Jade at Brooke sasabay nalang daw sila kay Tyler. Tapos ako at si Lee sasabay nalang kay Drake." Sabi ni Jasper. Tumango tango ako bilang pag sang ayon.

Nang makarating kami ng parking area, nag paalam na kami sa isa't isa tsaka ako sumakay kay Stark, my BMW X3. I started the engine and hit my way to the grocery store. While driving, naalala kong tawagan si Tita Jean, kase baka may ipa sabay siya sakin na ipabili. Nung nag red light, I dialed Tita's number. Buti nalang sinagot agad.

" Yes, ija? "

" Tita i'll drop by the grocery store po. Baka may ipapa sabay po kayo na ipabili."

" Wait. Let me see. Bili ka nalang ng chips kase dito mag sstay yung mga friends ni Jervis para naman may makain sila mamaya. Dag dagan mo narin para may makain din kayo nila Lisette mamaya pag naguton kayo after dinner. That's all ija. "

" Alright tita. "

" Okay. Drive safetly. Bye."

When I arrive sa grocery store. Kumuha ako ng cart at inisa isa yung mga kelangan kong kuhain. Tsaka ako pumunta sa mga chips na section para bilin yung sinabi ni tita at para na din bumili ng chips para sa mga dadalin ko bukas.

Dapat pala nag palit na ako ng sneakers kanina sa car. Dahil sobrang sakit na nang paa ko sa heels na soot ko. Bakit kase naka corporate attire pa pag nag memeeting eh. Kala mo board members kami ng school. SC lang naman kami.

Habang nakuha ng chips iniwan ko muna yung cart ko sa isang tabi. Kuha lang ako ng kuha. Bahala na sila kung ayaw nila nung mga kinuha ko. Ang huli kong hinanap is yung favorite na chips ko, which is yung Doritos and Lays. Nung nakita ko na aabutin ko na sana kaso kahit naka heels ako hindi ko pa din abot. Sino ba naman kaseng tanga ang mag lalagay ng mga yan sa taas. Pano naman yung mga taong hindi abot yun. Wala pang nilagay na hagdan. Hayst. I keep on trying reaching it pero hindi ko talaga maabot. Okay. One last try. I tip toed and stretch my arms. Pero wala talaga. ASAN BA KASE MGA STAFF DITO! Napaatras ako at hindi sinasadyang may nabungo ako.

Tumalikod ako para humarap at mag sorry. " Sorry." Sabi ko sa lalaking na atrasan ko. Muka namang kaeded ko lang to.

" It's fine." Ang cold naman ng boses niya. Walang ka buhay buhay.

" Uhm. Sorry, pero pwede ako paabot nung Doritos at Lays? Hindi ko kase abot eh. Tsaka walang staffs." sabay turo sa taas. Pagkasabi ko nun inabot niya agad at binigay sakin. " Thank you!" Sabi ko.

Umalis agad siya pag ka tapos ko mag pasalamat. Ang bait niya sana kaso bad mood ata.   Pag tapos ko ilagay sa cart yung chips pumunta na ko ng counter at nag bayad.

Just Play With ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon