Senior highschool students na magBF/GF talking..
BF: hon..bakit parang nanlalamig ka na sakin?
GF: ('di sumagot..)
BF: bakit tuwing hinahawakan ko kamay mo di ka kumakapit ng mahipit?
bakit tuwing niyayakap kita wala na yung init?
bakit tuwing hinahalikan kita di ka nananabik?
GF: ayoko na..
BF: bakit?
GF: we're done!
Nag hiwalay sila..
After 1 month, nakita ni boy si girl may kayakap na ibang guy..
Kinompronta ni boy si girl..
BOY: hindi mo ba alam ung 3 month policy?
3 months bago mag bf/gf ulit after break up!!
GIRL: tapos na tayo..
tama na.. please..
BOY: (crying)
i love you more than anything..
tapos bigla bigla, walang sabi sabi, kahit isang sentence na explanation di mo nasabi sa'kin kung bakit ayaw mo na..
damn!
GIRL: please.. stop..
BOY: fine!!
bye!
College na sila, nag-gf na si boy..
Naka move on na si boy finally..
Wala na syang balita kay girl..
Then one day nakasalubong nya ung best friend nung gf nya dati..
BEST FRIEND: kamusta?BOY: ayos lang..ikaw?
BESTFRIEND: ok din..
BOY: (nag aalangan pang itanong)
ahm..ehh..yung bestfriend mo..
kamusta?
kamusta sila ng bf nya?
BESTFRIEND: bf?di naman sya nagbf after nyo maghiwalay..
BOY: what?!!
BESTFRIEND: oo..di mo alam?
and one thing pa,
di mo din ba alam yung balita?
BOY: balita?ano?
BESTFRIEND: sabi nya wag ko daw sbihin kahit kaninu eh, lalo sayo..pero dapat talaga malaman mo toh..
ung bestfriend ko, ung ex mo..may sakit..
BOY: hah?kelan pa??
BESTFRIEND: dati pa..nung highschool pa lang tayo..
nung kayo pa..
and to tell you, malubha na lagay nya..
Napagconnect-connect na ni boy sa isipan nya ang lahat..
Pinuntahan nya ang ex nya nung oras din na un..
Sa house ni girl..
Ang gara na ng lagay ni girl..
Almost lagas-lagas na buhok nya..
Kausap ni boy ang ex niyang may sakit..
BOY: (crying)
bakit?!
bakit di mo sinabi sa'kin?!
GIRL: ayokong mag alala ka pa..
sino nagsabi sayo?
pwera sa relatives ko,si best lang ang kaisa isang nakakaalam ng lagay ko ngaun..siya ba?
BOY: oo..kung hindi pa nya sinabi di ko pa malalaman!
ano ka ba naman?!
ung lalaking kayakap mo nun..sino un?
GIRL: pinsan ko..niyakap nya ko para icomfort ako,
una dahil nung nagbreak tayo, secondly, dito sa sakit ko..
BOY: alam mo bang para ka na ring nagsinungaling sakin??
akala ko ba open dapat tayo sa isa't isa?
akala ko ba damayan tayo sa lahat lahat?
GIRL: (crying)
ibang kaso toh..
kanser..
sorry..
BOY: pinilit kong magmahal at makipagrelasyon sa iba makalimutan ka lang..
at obviously, bigo ako..
i still love you..
sobra sobra!!
(hinawakan ang kamay ni girl)
sasamahan kita kahit san man toh magwakas..
ako, mahal mo pa ba ko?
GIRL: mula noon hanggang ngayon..
kaso, wala na..
isang buwan na lang..
tapos....(crying)
BOY: sayang..
sayang yung tatlong taon na sana hawak ko kamay mo..
na sana, oras-oras, lagi ako sa piling mo..
karamay mo..
GIRL: nung una pa lang kitang nakita..
alam ko na, ikaw na ang buhay ko..ayoko lang kasing masaktan ka pa..
BOY: sa palagay mo nung hindi mo sinabi sa'kin dati ito't ngayong nalaman ko na eh may pinagkaiba yung sakit?
wala!
pero yung pagmamahal ko sayo,
hindi nawala..
nakapagdesisyon na ko..
sasamahan kita..
GIRL: i love you..salamat..
Hiniwalayan ni boy ang gf nya at nilubos ang oras na nalalabi sa tunay nyang mahal..
After a month, namatay si girl..
Sa puntod ni girl,
habang nililibing..
BOY:
(nilabas ang small heart-shape pillow)
eto ang puso ko..
(nilagay sa loob ng kabaong ni girl, nilagay sa kamay ni girl)
ngayong hawak mo na ang puso ko..
wala ng kahit sinong magmamay-ari pa nito..
sa'yo lang ang puso ko..
hintayin mo lang ako..
magkakasama din ulit tayo..
paalam, sa ngayon, mahal ko..
Lumipas ang napakaraming taon,
tumanda si boy,
ng walang asawa,
ng nag-iisa..
Pero sa puso't diwa nya, kasama nya ang una't huling babaeng minahal nya..
Sa pagtulog ni boy, nanaginip sya..Napanaginipan nya si girl, maganda pa rin tulad ng dati, smiling, and telling him,
"Mahal ko, oras na.."
Hinawakan ni girl ang kamay ni boy..
Then sumagot si boy,
"Hindi ko na bibitawan ang kamay mo,
hanggang wakas.."
Kinabukasan..
Namatay si boy sa katandaan..
Ngayon, magkatabi na sila sa libingan ng kanyang kaisa isang tunay na minahal.... :'(