Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

CHAPTER 4

20.7K 819 136
                                    

After knowing that dad will be joining us for breakfast, I immediately made an excuse just to ditch it. It's not that I hate dad but every time that I am talking to him, he always opens topics about academics, business, and dates. Nakasasawa na lang minsan.

Hindi ko alam kung saan mahahagilap si Migo kaya naman naisipan kong gumawi sa parte ng mga maid at nang dumeretso ako sa dulo ng hallway na puno ng mga kwarto ng maids ay nakita ko sila at ang mga ibang katulong nagtatawanan habang mga kumakain.

"Ma'am Dior!" a woman said after seeing me standing at the frame of the door. "Nako, Ma'am, pasensya na po at magulo kami!"

"It's okay, I need to go to school now," I said and I glanced at Migo and at his plate. Mukhang magsisimula pa lang siyang kumain pero nakabihis na siya ng pamasok.

"Sige." Migo smiled and stood up. Damn, bakit nakokonsensya ako na patitigilin ko siya sa pagkain?

"Kumain ka na muna, I can wait." Mukhang natigilan siya sa sinabi ko at nakatingin lamang siya sa akin. "What?"

"Baka nagmamadali ka na, Ma'am Dior," he said and I rolled my eyes and sat at a monobloc near me.

"Enjoy your breakfast." Nakaupo lamang ako rito at tila mga naiilang sa presensya ko ang mga katulong. "Sumunod ka na lang."

"Teka." My brow raised after feeling his hand holding my arm as gently. "Hindi ka pa kumakain."

"And so?"

"Gusto mo bang sumabay sa amin?" Dumating ang mayordoma ng bahay at kumunot ang kaniyang noo nang makita ako rito.

"Hindi na. Bilisan mo na lang, pwede?" Hinawi ko ang kaniyang kamay at agad akong naglakad paalis para makapunta na sa garahe.

Nakasandal lamang ako sa kotse nang biglang dumating si dad na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin na tila nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay nandito pa rin ako. Ilang minuto na rin ako rito simula kanina kaya naman naabutan niya pa ako.

"Where's your driver?"

"Sir, pasensya na napaghintay ko po si Ma'am Dior." Nagawi ang aking tingin kay Migo na kadarating pa lang.

"You made my daughter wait for you?" I can feel a glint of anger in my dad's voice right now.

"Pasensya na po, Sir. Hindi na po mauulit." Migo bowed at him.

"Dad, mauna na kami," I said and I looked at Migo and then he got the signal that he should open the door of the car for me. Nang mabuksan niya iyon ay agad akong pumasok at narinig ko pa siyang muling humingi ng tawad kay dad bago pumasok sa kotse.

"Pasensya na, Ma'am Dior," he said and I didn't talk at all. I was just staring in front while my arms were crossed. "Hindi ka pa po kumakain."

"It doesn't matter."

Ang akala ko ay deretso na kami papunta sa eskwelahan ngunit kumunot ang aking noo nang huminto siya sa harap ng tindahan ng mga porridge. I can sense that there is sopas there, at tama nga ako dahil may nakita akong nakasulat. Alam niya bang paborito ko ang sopas?

"Bibilhan kita, alam kong gutom ka—"

"I can do it," I said before opening the door of the car for me and it looked like he was shocked after what I did. I stood up in front of the tindera while he was standing behind my back. "How much is that?"

"Singkwenta," the woman said and I took my wallet acting like I know how much I should take even though I don't even know what singkwenta is.

"Ate, what's singkwenta?" I heard a chuckle from my back and Migo gave a fifty peso bill at the woman, making my brows furrow. "I can pay for myself."

One Last RaindropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon