Episode 1:My Childhood Sweetheart

5 0 0
                                    

Natapos na ang patayan dito sa amin,namatay na lahat ng hakanzo ngunit napaslang ba talaga silang lahat??

Ako si Shaira,isang senior high student.Noong mga panahong nagpapatayan pa ang mga tao ay tinatago ako ng magulang ko,lahat ng bata at mga babae ay tinago sa isang pasilidad kung saan pinapakain kami,pinag-aaral,at binibihisan ng magagarang damit tila ba ay para kaming mga mayayaman na tao.5 taon na din ang nakalipas naging maganda ang pamumuhay namin dito sa aming lugar.

Isa si Kazuto Takishima sa mga kababata ko,kasama ko din siya noong tinatago kami pero nakakapagtaka sa tuwing mababalitaan nya ang nangyayari sa labas ay bigla syang nawalala at bumabalik kinabukasan.Matagal ko na syang gusto pero di ko masabe dahil alam ko na iiwasan nya ko,ganyan talaga ang mga lalake hindi ba?.

Lagi ko siyang kasama sa pag-aaral, halos parang kulang na lamang ay magkadigit kami dahil nga lagi ko syang katabi saan man ako mapunta.
Naging inspirasyon ko sya sa bawat pagsubok,Napakasaya ko at may nakilala akong katulad nya.

Kilalang kilala nya na ko,kapag umiiyak ako ay alam nya kung ano ang gagawin,nakakatuwa siya.Alan ko din ang lahat sa kanya,nagsasabihan kami ng mga bagay-bagay...pero kilala ko na ba talaga siya?

CEREMONY:

SCHOOL PRINCIPAL
Speech:(cough,cough)Magandang umaga mga bata..ngayon kayo na ay nasa huling baitang ng pag-aaral sa high-school naway malagpasan nyo itong isang taon na masaya at mapayapa.Limang minuto nalang bago magklase humanay na lahat at pumasok sa kanya-kanyang silid-aralan.

LEADERS:Line Up!!(Shout)

(AFTER A FEW MINUTES)

Lahat ng estudyante ay bumalik na sa kanya-kanya nilang silid,heto ako at naghihintay kung sino man ang tumabi sa akin.Ilang saglit lang ay nagulat ako at ang tumabi sa akin ay si Kazuto?!!.

:ikaw??!!

Nagulat kong tanong sa kanya hindi ko inaasahan na magkaparehas kami nag section.

"Ayaw mo bang makatabi ang isang gwapo at matalino na lalaki"Tugon nya sakin,grabe ang taas ng tingin nya sa sarili nya pero ang totoo tama ang kanyang mga sinabi.Hindi hamak na mas mataas ang kanyang grado kesa saken at napakagwapo niya rin at matangkad para siyang perpektong lalaki.

Ilang minuto lang ang lumipas ay may pumasok na isang lalaki,napakatangkad niya at gwapo nasa dalawampu na ata ang kanyang edad base aa kanyang intsura.

"Hello everyone i'm your teacher,Im Mr.Shigachi Kowakasi you can call me Mr.Kowakasi for short"Pagbati niya sa aming lahat,nakakagulat para bang ang bata ng teacher namin at masyadong gwapo pero mas gwapo padin talaga si kazuto.

Nakakatuwa at lahat ng kaklase kong babae ay para bang gustong kausapin si Mister Kowasaki kahit na teacher namin ito ay para bang gusto nilang pakasalan.

"Everyone,magpakilala kayo para pag kakausapin ko kayo ay malalaman ko kung ano ang itatawag ko sa inyo"Ang sabi sa aming lahat ni Mr,kowasaki.

Tumingin ako kay kazuto,para bang hindi sya natutuwa sa aming teacher,ang mga mata nya ay nanlalamig at para bang nagagalit hindi ko alam kung bakit pero malalaman ko din iyon.Natapos na lahat magpakilala maliban na lamang sa aming dalawa.

Tumayo ako at sinabi ang aking pangalan at edad at ang mga paborito ko,lahat ng kaklase ko ay para bang natuwa sa akin.Tinignan ko uli si kazuto dahil siya na ang magpapakilala,nang magpakilala siya ay napakalamig ng tono niya nakakatakot ito habang nakatingin siya sa aming guro.

NATAPOS NA ANG LAHAT NG KLASE AT NAGSIMULANG MAGKWENTUHAN ANG LAHAT.MAY ISANG LALAKE ANG NAKAUPO SA DESK NG UPUAN HABANG NAKIKIPAGKWENTUHAN SA IBA PA.

"Hey kayong lahat makinig kayo,narinig nyo na ba ang tungkol sa deathsoul"Malakas na sabi niya sa amin pero ano ba iyong deathsoul.Ang lahat ay nagtaka sa kanyang sinabi,kahit ang mga lalaki ay hindi ito alam.

"5 years ago,noong lahat tayo ay tinago pa ng ating kanya kanyang magulang may isang kasing edad natin ang naging hakanzo"ang sabi nya sa amin.Nakakapagtaka dahil 13 lang kami noong tinatago kami at napakabata pa,napakaimposibleng maging hakanzo ang isang batang tulad niya.

Tumingin ako kay kazuto at nakita ko na naman ang mata niyang nanlalamig tila ba ay nagagalit sa mga sinasabi ng lalake.Habang tumitingin ako sa kanya ay hindi ko namalayan na nahimas ko ang isang nakausling pako.

"Aray"Napasigaw ako dahil sa sakit napakaraming dugo sa aking kamay,sobrang sakit nito.Tumingin ako muli kay kazuto at bigla nyang kinuha ang kamay kong may sugat,pinunit nya ang kanyang panyo para itali dito.Napakaswerte ko na nagkaroon ako ng mabait na kaibigan.

"Ano okay ka lang ba?"ang tanong niya sakin agad ko itong sinagod ng malumanay na para bang hindi ako nasaktan.Tinignan ko ang kamay niya at sinabing "punasan mo ang kamay mo,pasensya na at nalagyan  ka pa ng dugo ko"nagulat ako nang nanginig bigla ang kamay niya.

Tinignan niya ito at lalo pang nanginig tumakbo siya mabilis palabas ng silid kaya't sinundan ko siya sa pagtataka.

"Arrghhh"

Sigaw na narinig ko,para bang pamilyar ang boses na iyon.Nagulat ako ng makita na si kazuto ito,hinahawakan ang kanyang uli na para bang sobrang sakit nito,naawa ako sa kanya kaya lumapit ako.

Sinalubong niya ko ng tingin,ang tingin na yon nanlalamig at nakakatakot para bang papatay siya,sa takot ko ay hindi ako nakagalaw at nagsimulang manginig ang aking buong katawan.

"Dugo,mamatay kang babae ka"Nakakatakot na sabi niya saken.Lalo akong nanginig at nagsimulang tumulo ang luha ko yumuko ako at napaupo.Bigla akong may naramdaman ng init nang aking tignan ay si kazuto ito at niyayakap ako sinasabing "taha na wag ka ng matakot" lalo akong naiyak at niyakap siya ng mahigpit "sorry kazuto" ang sabi ko sa kanya."Hays,wag ka na umiyak"ang sabi niya sa akin"

Natuwa ako na bumalik na sa dati si kazuto ayokong makita siya na ganon,gusto ko lang makita ay ang palabiro at mabait na kazuto

-------------------------------
To be Continue

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

WHOWhere stories live. Discover now