Napadpad na naman ako dito pero iba na yung lugar. Teka, nasaan—
"Hey!" boses ng lalake ang tumawag sakin.
Napalingon ako sa kaniya at laking gulat ko nang nakitang iba ang kaniyang damit ngayon. Naka tuxedo at slacks siya na itim na may pares na sapatos.
Lumapit siya sakin at.. Waaaahh! NAPAKAGWAPO NIYA!! Nahihiya tuloy ako sa pagtitig niya sakin. Ni head-to-foot pa nga niya ako eh.
"You look totally..beautiful" pabulong niyang sambit at hinawakan ako sa kamay.
Wait… MAGANDA?! Eh ayaw nga saken ng crush ko sa school namin dahil panget daw ako.
"Let's go?" tumango na lamang ako.
Nandito kami sa…teka, parang nakikita ko na'to sa mga fairytales ah. Nilibot ko ang paningin ko at hindi ko namalayan na nakapasok na pala kami sa loob.
"We're here" nakangiti siya at binitawan ang kamay ko.
"Wait, w-wala bang tao rito?" nacurious kasi ako eh, wala ba talagang tao dito?
"None" sagot niya at bigla na lang nawala.
Saan kaya yun? Ambilis naman mawala.
Tinignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Naka white long gown ako at naka white na high heels na kumikinang dahil sa mga palamuti. Gulat na gulat pa ako kasi ang ganda ko pala sa ayos kong 'to.
"Wow, napakalaki naman nitong kwarto na'to" manghang-mangha paring nilibot ko ang paningin ko.
Lumabas na ako dun at biglang may tumunog na music. May kumuha ng kamay ko at hinatak ako patungong gitna. Mabilis ang pangyayaring 'yon kaya nakakagulat. Tiningnan ko ang gwapong mukha ng lalaking nasa harap ko ngayon na sakin lang nakatingin, he smiled, he pulled me closer to him and we started to dance.
"Sumasayaw ka ba?" papalit-palit ang tingin ko sa kamay at mukha niya.
"Yes" nakangiti niyang sagot na sakin lang ang atensyon.
Naiilang na ako!! Please, tulungan niyo ako mga readers!! Ngayon lang kasi ako nakakakita ng gan'to ka gwapong nilalang eh.
Natapos na namin ang pagsayaw at nagulat pa ako dahil hinila niya ako patungo sa may garden yata dito. Habang hila-hila niya ako ay di ko maiwasang tumingin-tingin sa mga bulaklak.
Pahila niya akong pinaupo sa may damo.
Niyakap niya ako patagilid at pinalapit sa kanya, "What's your name?" tanong niya bigla.
Magsasalita na sana ako ngunit may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
"ELAINE RIVAS!!" teka, boses ni ma'am 'yon ah.
Napamulat kaagad ako at nakita ko si ma'am na diretsong nakatingin sakin. Hinihikab pa akong tumayo at nakitang na sakin ang kanilang atensyon.
"Kanina pa kita tinatawag. Kanina ka pa bang tulog ng tulog diyan?! Sagutin mo ang tanong sa blackboard!!" napahiya tuloy ako sa sarili ko kaya dumiretso na lang ako sa front.
Uwian na pero na sakin pa rin ang halos lahat ng atensyon ng mga estudyante dito. Napayuko na lamang ako.
Nakarating na ako sa bahay pero kahit anino ni nanay at tatay ay di ko makita, sinalubong lamang ako ng dilim at mga kalat sa sala. Tamad akong napaupo sa sahig.
'Sana di ko na lang siya niyaya noon para di na lang siya namatay at para di magkagan'to sila nanay at tatay'
Iyak pa rin ako ng iyak at nagulat na lamang ako dahil may biglang sumabunot sa buhok ko. Napangiwi ako sa sakit at doon ko lamang nakita si nanay na panay ang paghila sa buhok ko.
"Ikaw'ng bata ka!! Ba't di ka pumasok sa ibang subjects mo ha?! Sumagot ka!!" umigting ang panga ni nanay.
Hindi ako nakasagot dahil patuloy lang ako sa paghagulgol. Nang nakuntento na siya ay binalibag niya ako ng pagkalakas-lakas.
"Ikaw!!" tinuro niya ako, "Wala kang kwentang anak at kapatid!! Pinatay mo ang sarili mong kapatid!! Umalis ka na dito!!"
"H-hindi ko po—"
"Anong hindi?! IKAW MISMO!!..." tumakbo na ako patungong kwarto.
Nilock ko ang pinto at kumuha kaagad ako ng gamot para makatulog.
.
.
.
Flashback
"Ate Elaine!" bungad sakin ng pamilyar na boses.
"A-Anong ginagawa mo dito?" inabot niya sakin ang maliit na blackbox.
"Surprise! Regalo ko 'yan para sa'yo Ate" nakangiting sabi niya.
Kinuha ko naman' yon, "Ah-ahy! Nag-abala ka pa", at binuksan na.
Nagulat pa ako dahil first time niyang magregalo sakin ng ganito. May relos doon na silver at bracelet na may nakalagay na 'I Love You Ate'.
"Ate, ito yung sakin. Nakalagay din na 'I Love You Bunso'. Oh diba, bagay na bagay!" aniya na nagpapaiyak pa lala sakin.
***
"Surprise!" nakangiti kong sabi.
"Wow! Napakaganda dito Ate" nilibot pa niya ang kaniyang paningin.
Nakitingin ako sa langit, "Oo, syempre! Ako nagpili eh"
Nandito kami sa rooftop ng building.
Umupo siya sa may dulo, "Talaga lang ah— waaaahh" bigla na lang siya nahulog pero agad siyang kumapit."Jane! Kumapit ka!! 'Wag kang bibitiw!!" kahit nahihirapan ay sinabi ko iyon.
"A-Ate, tulu— Waaaahh!!"
"KUMAPIT KA JANE!!"
"A-Ate, huhuhu… m-mamamatay na ba ako ATE?!!"
"H-Hin— JANE!!!"
Napabalikwas ako ng bangon. Nakaramdam ako ng luha saking pisngi. Pinahiran ko iyon at naalala ang regalo niya para sakin. Hinanap ko pa iyon sa drawer ko at nakita kaagad dahil nakatago lamang iyon sa blackbox.
Pilit kong huwag umiyak pero patuloy lang sa pagtulo ang mga luha. Niyakap ko kaagad at tiningnan ang bracelet at relo. Namimiss ko na talaga si bunso. Sana di ko na lang siya niyaya pa. Sana di na lang siya namatay.
.
.
.
.
BINABASA MO ANG
Sleeping Pill (Part 2)
Short StorySabi ng iba ay pangit siya, pero sa lalaking napanaginipan niya ay maganda siya.