Chapter 1

28 4 1
                                    

Another boring day...paulit-ulit na lang yung mga ganap.

*beep*

*1 notification received*

Urgh!! Nakaka-asar na paulit ulit na lang! Isa na naman siguro to sa mga taong nang hihingi ng part two nung sinulat ko na short story.

Nung nakaraan pa talaga 'to eih nagtitimpi lang talaga ako.

Imbis na maupo lang dito ay kinuha ko ang netbook ko at naghanap ng movie na pwedeng ireview at pagkuhaan ng ideas.

Pagkatapos ng ilang minuto, wala akong nahanap kaya nagchat ako sa kaibigan ko.

Damien:
Mat-mat ano magandang movie panoorin?

Matt:
Ano bang genre gusto mo?

Romance? Horror? Mystery? Comedy?

Damien:
Yung love story sana...pero kakaiba para may thrill.

Matt:
Panong love story na may thrill?

Gusto mo ba yung may patayan?

Damien:
Hayop ka!!

Di naman yon yung ibig sabihin ko.

Parang love story na hindi mo madalas nakikita o napapanood..yung mga ganon sana.

Matt:
I-try mo yung Love, Rosie.

Damien:
Okay thanks.

So after non, ay sinearch ko na yung movie na nirecommend ni Matt sakin.

"Hm.."

So, yung Love, Rosie ay tungkol sa childhood friends na tumanda na hindi iniisip, if they were a couple...pero nung nagkahiwalay silang dalawa ay narealize nila na silang dalawa ay para sa isa't isa.

Nakakairita yung mga tagpong ganto, sana hindi mangyari sakin to.

Bago ako mag-sulat ng panibagong story ay magpapakilala muna ako.

Ako si Damien Cassidy, 16 years old. Fourth-year student at kasali ako sa theater club and isa ako sa mga main scriptwriter. Madalas akong pinagsusulat tungkol sa love pero hindi ako naniniwala sa love. Ironic, is'nt it?

Yung kanina ko namang kausap ay si Matt Cohen, 16 years old den. Katulad ko isa ren syang fourth-year student. Kasali naman sya sa varsity namin. Kaya lagi syang tinitilian. Palibhasa gwapo, matangkad, maputi at matalino. Feeling ko magiging sobrang swerte ng taong mamahalin nya kase sobrang perfect na nya eih.

Ano kayang susunod kong gagawin na story? Tungkol kaya saan?

Magtanong kaya ako sa mga readers ko kung ano magandang isulat na story?

Kaya nagiscroll muna ako don sa mga comment box nung mga nakaraan kong story.

*scroll*
*scroll*

Scroll lang ako nang scroll ng may nakita akong comment...

'Pwede ka po ba gumawa ng LGBTQ-based na story po?'

Yan ang comment nya and it looks like na famous sya based sa mga likes and comments. Kaya inistalk ko sya, and it turns out na isa syang sikat na writer sa wattpad.

For A LifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon