Kwento lV

25 17 4
                                    

Hide Me In Red

"Labas!" sigaw ng isang lalaking sundalo simula ng huminto ang bus na sinasakyan namin.

"Pila! At walang magtatangkang tumakas kundi, papatayin ko kayo!" sigaw ng isa pang sundalo. Madami silang nakapalibot sa amin. Kinokolekta nila kami at tinipon dito sa liblib na lugar. Ito ang tawag ng mga katulad ko na dinala rin dito para maging alipin dahil natatakot ang council sa kung ano ang tinataglay naming kakayahan sa aming katawan.

"Paalisin niyo ako dito hayop!" sigaw ng isang lalaki na kasama ko sa bus. Halatang galit na galit na ito basi sa kanyang mukha. Ngunit napaluhod siya ng sinikmuraan siya ng sundalong nagsalita kanina.

Tumayo naman ito at mabilis na sinuntok ang sundalo sa tiyan. Napatawa naman ang sundalo dahil tila hindi ito nakaramdam ng sakit. Ngunit bigla kaming nagulat ng umagos ang malapot na dugo sa katawan ng sundalo at tumagos ang malayelong espada sa likuran nito. Unti-unting naging asul ang buhok nito at nataranta ang mga sundalong nagpaputok sa lalaki.

Mabilis kaming pinapasok sa loob dahil sa putukan. Madaming armadong sundalo ang nakapalibot sa amin. Sunod ng sunod lang kami sa taong nasa harap at nakakaalam kung saan kami dadalhin. Malaki ang liblib na lugar at sa bawat sulok nito ay may mga armadong nakabantay. Kaya wala sigurong nakakalabas dito sa loob.

"Pasok" tinulak kami ng isang sundalo papasok sa loob. Lima kaming ipinasok dito at parang normal lang ito na silid. May dalawang kama at ilaw na nagbibigay liwanag sa buong kwarto.

"Kunin niyo ang lampaso at magsimula na kayong maglinis" utos ng nakabantay dito at mabilis naman kaming sumunod. Bawal ang pag uusap. Bawal ang titigan at tanging paglilinis lamang ang dapat na aatupagin namin. Mahigpit ang lahat sa loob kaya siguro pahirapan ang paglabas dito. Ngunit hindi maaring ganito na lamang kami. Ang maging alipin ng council.

"Ayusin mo ang pagkakalinis dito!" Bulyaw ng nagbabantay sa loob ng kwarto.

"Pero malinis napo" sagot ng babaeng kasama ko sa kwarto.

"Malinis pala ha" namingi kaming lahat ng tila may pinindot ito sa kanyang baril. Nakakaingay at nakakabaliw ang tunog nito. Napabitiw kami sa mga maps at napaluhod sa sakit na naririnig namin. Halos hindi umepekto ang pagtakip ng tenga dahil nanunuot ang ingay sa loob ng ulo. Tanging pagsigaw lamang ang maririnig sa loob ng kwarto at parang aliw na aliw naman ang sundalo sa kakapanood sa amin.

"Khernell Devien, kailangan na sila" tumigil ang maingay na tunog ng pumasok sa loob ang isang lalaki. Tumigil ito sa pagpaparusa. Halos mahingal kami sa ginawa nitong ingay.

"Tayo" utos ni Khernell Devien sa amin at kahit hinang hina ay pinilit naming tumayo. Pinalabas niya kami ng kwarto at pinasunod sa kanya. Sa bawat dinadaanan namin ay may mga kabataang inaalipin. Mga kagaya namin at wala manlang silang magawa dahil sa may nakalagay na bracelet sa kanilang mga kamay na nagkokontrol ng kapangyarihan nila.

Maraming mga kabataan ang nabiyayaan ng skills. Wala pang nakatala kung saan at paano ito nagsimula. At hindi ko na yata maituturing itong biyaya dahil ginagawa lamang kaming kasangkapan ng mga counsil. Ginagawa nila kaming mga alipin at kinukulong dito dahil natatakot sila sa kakayahan namin. Natatakot sila sa ginagawa naming pinsala na kasalan naman nila. Hindi naman magiging aggresibo ang mga iilan sa amin kung hindi kami itinuturing na iba. Kung hindi kami hinuhuli at kinukulong sa impyernong ito. Dito sa liblib na lugar.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Color Your Thoughts Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon