Prologue

4 2 0
                                    

A/N: So ayan sisimulan na natin ang story ni Zea At William hope you enjoy it guys lovelots:>

•Hi•

ZEA POV

I am Zea Leah Dela Fuente ang nag iisang anak ni Fred Dela Fuente at Pam Dela Fuente. Meron kaming iba't ibang bussiness and also we have our Dela Fuente Company at nasa Meduan University ako ngayon actually third-year high school na ako.

"Hi Zea"

"Good morning Zea"

"Hi Zea"

Parati ko yang naririnig kada umaga sa Hallway namin kada pasok ko at galing yan sa iba't ibang tao na di ko halos kilala at di naman ako interesadong alamin pa basta minsan mga varsity ang nagsasabi, minsan mga babae na nagiiksian ang palda gusto sigurong makipag kaibigan. First day of school ngayon at as usual magulo, maingay, at may nagyayakapan pa sa may hallway na akala mo ngayon lang nagkita kita after long vacation.

"Zeaaaaaa"

Nakita ko Jasmine na tumatakbo papunta sakin habang nakabukas pa ang dalawang kamay na tila yayakap sakin as usual kahit di naman first day araw araw niya yang ginagawa. Niyakap niya ako ng paglahigpit higpit na akala mo di kami magkasamang bumili ng school supplies last week.

"How are you Zea?" tanong niya

"Fine" Tamad na sabi ko

"Hey girl don't paandar me that attitude ha" Atribida niyang sabi habang nakataas pa ang kilay

"Saan Room natin?" Tanong ko nalang kasi alam ko ugali nito ni Jasmine magkwekwento nanaman yan ng mga "Kalandian" niya.

"Room 2045 kay Ma'am Andrea tayo" sabi nito at kinuha ang phone niya at may tinext dun

"Punta na tayo dun para makahanap na tayo ng seats" sabi ko at maglalakad na sana ng mahagip ng mata ko ang isang matangkad na lalaki, maputi ,matulis ang adam's apple ,medyo singit na mata,at may makapal na kilay nakatayo siya sa may gilid ng locker at noong nakita niya akong nakatingin sakanya ay kinindatan niya ako kaya umiwas agad ako ng tingin at namula

'Baliw kana Zea di mo kilala yun tapos gaganyan ganyan ka ,nakakahiya' sabi ko sa sarili ko

"Wait lang Zea hinihintay ko lang si William" sabi ni Jasmine kaya kumunot ang noo ko kasi ngayon ko lang narinig ang pangalan na yan at for sure bagong kalandian niya nanaman yan

"Ay ayan na pala siya" sabi ni Jasmine kaya napatingin ako sa bandang kaliwa ayoko sana kasi baka makita ko nanaman yung lalaki kanina nakakahiya pero dahil dala sa curiousity ko sa William na sinasabi ni Jasmine ay napatingin na din ako at laking gulat ko ng makita ko yung lalaking....

"Hi" Bati noong lalaking nakatayo sa locker na William daw pangalan sabi ni Jasmine

'Omyghad pagkakataon nga naman'

"Hey William" sabi ni Jasmine

"Ey Jas" sabay ngiti sakin at sinasabi ko nakakamatay yung ngiti niya

'anong pinagsasabi ko'

"Anyway Zea this is William Drake Marquez my childhood friend" pakilala ni Jasmine sakin

"William this is Zea Leah Dela Fuente my bestfriend" pakilala naman ni jasmine kay William

Natulala ako ng makita ko na naglahad siya ng kamay kaya naibaba ko ang mata ko sa kamay niya nagulat na lang ako ng magsalita siya

"Care to take my hand Zea?" Sabi niya sa husky na boses

'shit this can't really happen'

Nanginginig na inabot ko sakanya ang kamay ko at noong nagkadikit ang kamay namin ay tila may kuryente na dumaloy sa kamay ko at bigla akong napabitaw  nakita ko naman siyang tumawa ng mahina kaya umiwas nalang ako ng tingin

"So anong Room kayo Jas" tanong niya kay Jasmine

"Room 2045,ikaw?" Tanong ni Jasmine

"Hm i think we are classmate haha" sabi nito habang tumatawa kaya napatingin ako sa gulat

"A-ano!" Malakas na sabi ko kaya nagulat silang napatingin sakin

"May problema ba?" Tanong ni William sakin

"what's wrong Zea?" Kunot noong tanong ni Jamine

"Ah wala wala ,can we go now?" Sabi ko at nauna ng naglakad

'Bat ba ako nagkakaganito at ano ba pakialam ko kung magkaklasi kami nun ,bat ako apektado'sabi ko sa sarili ko

Naglakad nga kami at nauuna ako konti habang silang dalawa ay nasa likod ko at  nagkwekwentohan habang nagtatawanan pa habang ako nakikinig lang sa kanila

Nang matapat na kami sa Room namin ay dumeretso ako sa loob at may mga bumati din sakin pero di ko pinansin dahil naghanap agad ako ng upuan at ng may makita ako ay umupo na ako. Nakita ko din si Jasmine na umupo sa unahan ko at  yung William naman ay di ko alam kung saan naupo kaya pinalibot ko ang mata ko hinanap kung saan siya naupo

"Hinahanap mo ako?" Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko

Humarap ako sa likod at nakita ko siya na may nakakalokong ngiti

"Hindi ah" dipinsa ko sabay talikod na kasi yung puso ko naguunahan tumakbo at ng huminahon na ako ay itinutok ko nalang ang tingin ko sa board ng bigla siyang nagsalita sa may tenga ko na kinagulat ko

'𝗪𝗮𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗱𝗶 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗶𝗶𝘄𝗮𝗻'

A/N: So ayan kalma guys HAHAHA prologue palang talaga ano busog na myghad William i love you naaaaa,sorry kasi maikli lang prologue wag kayong mag-alala kung sa pagkain appetizer palang yan HAHAHA ABANGAN NIYO MAIN COURSE!!

#Kilig now Ghosting later HAHAHA
#Abangers
#Hi daw
#Di kita iiwan
#Zeliam

𝐎𝐮𝐫 𝐔𝐧𝐭𝐨𝐥𝐝 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲Where stories live. Discover now