Part 5

0 0 0
                                    

•Selos•

ZEA POV

Nagising ako sa isang malungkot na umaga , napanaginipan ko kasi ang ate ko yun yung araw kung saan may niregalo siya sakin noong birthday ko.

"Zea come here ,may gift si ate sayo" tawag nito sakin habang may hawak na isang box na may malaking ribbon

"Really ate?" tumatakbo akong lumapit sakanya habang may hawak na teddy bear na galing sa kaibigan ko

"Buksan muna bilis" sabi nito sakin ,excited akong binuksan yung box at laking gulat ko na may box na maliit na color pink na may nakasulat sa ibabaw na " ZEA". Binuksan ko agad agad yun at lalo nanlaki ang mata ko ng makita ko ang laman nun

"Wow ate braceletttt" sabi ko at manghang mangha sa isang bracelet na pink na may pangalang Aeiya

"Hope you like it Zea" sabi ni ate

"Bakit name mo ate ang nakalagay" sabi ko at ngumuso , tumawa lang si ate

Muling nanumbalik ang lungkot sa puso ko ng maalala ko yung araw na yun

'I miss you ate' sabi ko sa utak ko habang tumingin sa may langit na kita ang sinag ng araw

Umiiyak akong nakatingin sa langit na kahit nakakamangha ang tanawin ng sinag ng araw ay umiiyak ako, Ilang minuto lang ay nagpasya na akong maligo at parang kada apak ko at galaw ko ay parang may mga tumutusok sa dibdib ko. Napakabigat

Nang nakababa ako andun na si Yaya Milda naghahanda ng umagahan ,andun na din si Daddy habang nagbabasa ng dyaryo ng mahimigan niya ako na pababa na ay binaba niya ang binabasa at ngumiti sakin.

"Good morning sweetheart" bati sakin nito

"Morning Daddy" sabi ko habang lumalapit sakanya para humalik sa pisngi

"Good morning Zea" bati nama sakin ni Yaya Milda

"Morning Ya" matamlay na sabi ko

"Oh sweetheart why are you sad?" Tanong ni Daddy habang nakatingin sakin

"I'm fine" sabi ko at naupo na para kumain

"Fine but not okay?, did they bully you again?, i mean your new classmates?" Tanong nito sakin

"Nah" tamad na sabi ko habang subo ng subo ng pagkain

"Just tell me if they do something bad againts you ,okay?" Sabi nito at napabuntong hininga naman ako

"okay" sabi ko tila wala sa sarili ,gusto kung sabihin kay Daddy lahat ng hinanakit ko pero pinili kung manahimik , i really miss ate ,and Mommy.

Pagkatapos ko kumain ay agad na din akong umalis at sakto andun na din si Mang Tibor na tila tinitingnan ang sasakyan.

" Good Morning Zea" bati nito

"Morning Mang Tibor" sabi ko at agad na sumakay sa kotse at tahimik kaming bumyahe. Nakatingin lamang ako sa bintana habang ninanamnam ang sakit na dulot ng isang alaala

Pagkababa ko ay madaming bumati sakin pero para akong nakalutang na tila walang nadirinig , di ko namalayan na nakarating na pala ako sa room namin na wala man lang inintindi sa mga nakasalamuha ko.

"Zea what happen to your face , your face is so very busangot" sabi ni Jas na di ko namalayan na nasa tabi ko na pala

"Not in the mood" sabi ko

"What happen?" sabi nito sakin at saka dali daling pumunta sa harap ko

"I'm fine" sabi ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya na tila naiintindihan niya na agad ang sinabi ko

𝐎𝐮𝐫 𝐔𝐧𝐭𝐨𝐥𝐝 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐲Where stories live. Discover now