Chapter One

104 27 52
                                    

The Royal Bloody Contract

By: BlueSkylyn_23

Chapter One

"Hon, what do you think?" Icarus asked, My fiance. After he proposed to me last week we start planning our wedding na gaganapin in few months.

"S-sure." I gulped. Hindi na ako makatangi pa sa mga design na gusto niya, dahil tuwing ta-tangi ako ay tinatapunan niya ako ng masasamang tingin. I don't really know if he doesn't like my taste in fashion. 

"Good!" He replied. Agad siyang nilapitan ni Janna, our wedding planner.

"May napili na ba kayo?" She asked while looking at me. Alam niya na may something na hindi maganda sa amin ni Icarus ngunit nanatili lamang akong tahimik sa bagay na iyon. Naramdaman ko sa tabi ko ang titig ni Icarus, na para bang may sabihin lang akong mali ay habang buhay na ikasisisi ko.

"O-oo" Sabay tawa ko. Agad naman niyang kinuha kay Icarus ang mismong disenyo ng magiging theme namin sa kasal. A beach wedding and I don't want it.

Gusto ko lang ng isang simpleng kasal ngunit na pa ka memorable sa akin, sa simbahan.

Sinusubukan ko namang umangal ngunit natatakot akong ma-sigawan niya Muli tulad nung nakaraan. Dahil tuwing nagagalit siya, nakakalimutan na niya na mahal niya ako.

"Anyway, hali ka na at sukatan ka na ng kaibigan ko" Tawag sa akin ni Janna. Tumango na lang at sumunod na sa kanya papasok sa isang kwarto.

Sa lahat ng pinili ni Icarus ay tutol ako ngunit hindi ko magawang mag salita dahil alam kong may kalalagyan ako. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya at bakit iba ang trato niya sa akin. Kaya naman binabalak ko siyang kausapin ng masinsinan mamaya pag dating sa bahay.

Sa gitna ng pag susukat sa akin ng kaibigan ni Janna na si Wendy ay agad itong huminto at umupo.

"Anong poblema? Bakit ka tumigil? Tapos ka na ba?" Jenna asked confusedly.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam bakit wala akong inspiration para gawin ang dress na gusto ng fiance mo" Wendy replied while massaging her forehead.

"B-bakit?" Hindi ko maintindihan ang poblema ni Wendy. Paanong wala siyang insiration? E' siya nga ang isa sa pinaka sikat na Dressmaker.

"Jenna, naaalala mo ba nung sinabi ko sayo na hindi ako maka gawa ng wedding dress pag hindi naman sila ang karapat-dapat?" What she said gives me goosebumps. I love Icarus at ayoko na matigil ang kasal na ito.

"Ahh! I remember that. May isa kang client na nag pagawa ng wedding dress. Kaso hindi ka makakuha ng inspiration kasi na fe-feel mo na hindi sila ang karapat-dapat. And before their wedding nakipag hiwalay na yung lalaki hindi ba?" Sagot ni Janna na tila natatandaan na niya ang pino-problema ni Wendy.

"Paano ka mag kaka-inspirasyon?" Ayoko at wala talaga akong balak na iwan si Icarus. I love him so much na dumating sa puntong naibigay ko na lahat sa kanya, pwera sa bagay na gustong gusto niya.

"I don't really know. Mabuti at maaga kita masusukatan ngayon. Dahil pag wala akong inspiration sobrang tagal ko ito matatapos" Napa buntong hininga na lang siya ng malalim at ipinag patuloy ang pag susukat sa akin.

Matapos akong sukatan ni Wendy nilapitan ako agad ni Janna. Doon niya itinanong kung bakit tila may iba sa amin ni Icarus. Hindi lang pala ako ang nakaka-pansin. Kahit ako ay hindi ko masagot ang tanong nila, dahil hindi ko rin alam kung anong poblema.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Royal Bloody ContractWhere stories live. Discover now