"Ma'am! Si John po dumudugo ang ilong!" Sabi ng kaklase ni John
"Huh?! Dumugo?! Hoy Ikaw Chavez, pumunta ka ng clinic, ireport mo na yan sa nurse! Ikaw naman John tingin ka lang sa taas, 'wag kang yuyuko!" Tugon ng Teacher ni John.
"Opo Ma'am Maribeth, puro po kasi kayo English Ma'am." Biro ni John.
Ito nga pala ang pilyong si John, matangkad na lalaki, he is your typical gr. 10 student, isa siyang Basketball Player, Mobile Legends Gamer, he also play Guitar and he is also the comedian type of friend. Mayroon siyang kpop style na buhok mala gong yoo, tapos pointed nose yung sakto lang naman 'di tulad ng sa mga amerikano. Kayumanggi ang kanyang balat. Parang crispilicious fried chicken lang! Pakagat nga John!
"Filipino Teacher ako!" Sabi ng guro.
"Ay oo nga pala Ma'am, kamukha niyo po kasi si Sir Sebastian." Pabirong sabi ni John sabay tawa.
"Puro ka kalokohan, nagdudugo na nga yang ilong mo!" Galit na pagsabi ng guro.
"Sorry po Ma'am." Sagot ni John.
After school ay umuwi na si John kasama ang kanyang bestfriend na si Ivan.
"Uy Johh, balita ko na-nosebleed ka raw kanina ah." Sabi ni Ivan
This is Ivan, bestfriend ni John since Kinder at kilala na nila ang isa't isa mula ulo hanggang ulo este paa. Sakto lang ang height ni Ivan, medyo paputi siya at may curly hair na parang sa mga miyembro ng 1D. Oh beybe, beybe beybe mah beybe beybe. Ay F4 pala yun. Unlike John ubod ng gwapo si Ivan na para bang siya ang Harry Edward Styles ng Pinas.
"Ang famous ko talaga, hanggang sa kabilang building umabot pa." Sagot ni John
"Sira! Syempre nagchat sakin si Lyssa, nagsend pa nga pictures mo." Sagot ni Ivan.
"Ano nanaman yang sinend ng jowa mo?" Tanong ni John.
"Pangit mong mukha, syempre." Lait ni Ivan kay John.
"Ano bang nagustuhan mo sa kanya? Ang pangit-pangit naman e." Bawi ni John kay Ivan.
"Coming from you ha, kala mo naman ang ganda ng nililigawan mo." Banat ni Ivan.
"Hoy maganda si Nicole! Maputi, Maganda ngumiti, Sexy, at napakalaki ng hhmmm!" Sagot ni John.
"Manyak ka talagang hayup ka!" Sabi ni Ivan.
"Ano bang nagustuhan mo kay Lyssa?" Tanong ni John.
"Paulit-ulit? Matalino, mabait, mapagmahal sa pamilya, responsable, at may pangarap sa buhay." Paliwanag ni Ivan.
"Tapos sisirain mo lang!" Biro ni John.
"Ano ako ikaw?" Rebat ni Ivan.
"Nako tol yan ang sabi ng lahat tignan mo sila ngayon." Paliwanag ni John.
"Galing talaga sayo yan? Kaya naman pala gabi-gabi lagi mo akong chinachat, Ivan kita mo to si Gina? Nakita mo Myday ni Emalyn? Nakita mo post ni Sheena sa IG. Hilig mo sa pandak. Rebat ni Ivan.
"Kesa naman ikaw na mas matangkad pa sayo ang jowa mo!" Rebat ni John sabay pagtawa ng malakas.
"Tol 5'6 siya, 5'5 ako, isa lang ang difference, saka tatangkad pa ako." Paliwanag ni Ivan habang natatawa.
"Hello 5'11 is here." Insulto ni John habang tumatawa.
"Ikaw na matangkad! Bogli!" Rebat ni Ivan.
"Uy! Babe wag ka nang magalit." Sabi ni John para mas lalo pang mainis si Ivan habang di mapigilan ang kanyang pagtawa.
"Baliw ka nanamang hayup ka!" Sabi ni Ivan na tila inis na kay John.
"Uyy bes ano yun?" Sabi ni John sabay turo sa kabilang kanto.
BINABASA MO ANG
Sigaw
Short StoryAng mga kwentong naririto ay pawang imahinasyon lamang at hindi totoo at hindi nangyari sa tunay na buhay. Ang mga pangalan na ginamit ay pawang gawa-gawa lamang para sa kwento na naririto at hindi totoong tao. Magdasal bago magbasa ng bawat kwento...