Forgive and Forget

75 7 15
                                    

This is a one shot story. Please vote, comment and share :)

------------------------------------------------------------------------------------------------

Bakit ang liwanag? Nasa langit na ba ako? Sino ang mga taong nakatingin sakin? Bakit sila umiiyak? May nagawa ba ako? Bakit wala akong maalala?

~1 year ago~

"Ma! Bakit ba kayo laging ganyan sakin nila papa!? Lagi ninyo ko minamaliit! Binabaliwala! Lahat ng kamalian ko nakikita niyo pero ang mga tama kong ginagawa ay hindi! Pero pag ang mga kapatid at pinsan ko akala niyo ay sila lagi ang tama! Perpekto! Di niyo ba alam na yang si Mimi ay di na virgin!? Yang si Marco ay nakasama sa gang at nang rape! Ha!? Akala ko ba magaling kayo!? Akala ko ba alam niyo lahat!? Pero bakit yung dalawa niyong anak na mahal mahal ninyo ay hindi niyo alam kung ano ang pinag gagagawa!?" Sigaw ko sa nanay ko.

Itago nalang natin ang tunay kong pangalan. Das nalang ang kilalanin niyong pangalan ko. Nakatanggap ako ng isang sampal galing sa nanay ko.

"Ang kapal naman ng mukha mong bata ka! Para kang walang galang! Walang utang na loob! Buti nga eh pinalaki ka namin ng maayos!" Saad naman ng nanay ko.

"May galang ako ma! Alam kong utang na loob ko ang pagpalaki niyo sakin pero may galang lang po ako sa mga taong gumagalang din sakin. Kahit may konting pag galang lang ay okay na sakin eh. Pero sa inyo? Ha! Walang wala! Sa inyong dalawa ni Papa ay wala!"

Nakatanggap nanaman ako ng isang sampal kay mama.

"At kelan ka pa naging ganyang bata ka ha!?" Tanong ni Mama.

"Kelan? Hahahaha! Matagal na kong ganito! Dahil din sa kagagawan niyo! Lagi niyo kong binabaliwala! Tao din ako ma! Napupuno! Nagagalit!"

"A-ate ta-tama na." Awat naman ni Mimi sakin.

"Oo nga ate, t-tama na. Naiintindihan ka na namin." Sabi naman ni Marco.

"Tama na!? Naiintindihan!? Hahahaha! Galing niyo talaga mag acting! Mga paawa effect! Akala niyo maaawa rin ako sa inyo!? Ha! Hindi ako katulad ni mama at papa na tanga!"

"Lumayas ka dito! Hindi kita anak! Wala akong anak na katulad mo! Walang modo! Layas!" Pag taboy naman ni mama.

"Kahit hindi niyo namang sabihin yan ma, lalayas talaga ako! Dahil hindi ko kayang may makasama akong isa sa inyo!"

Pumunta ako sa bahay ng best friend ko. Siya lang naman nakakaintindi sakin eh. Kumatok ako sa pinto nila. Maya maya naman ay....

"Oh! Anong nangyari bes? Para kang ni-rape! At anong... Bakit ka may dalang mga gamit mo? Wait! Pinalayas ka ba ng mama mo?" Nanatili na lang akong tahimik.

"Bes pasok ka. Buti nalang talaga lumipat na ko dito sa condo. So ano na ngayon? Tapos na tayo sa pag aaral. May nahanap ka na bang trabaho?" Umiling ako.

"Hay, pano ka na niyan? Pasalamat ka pareho tayo ng major kaya pwede kitang irekomenda sa pinag tatrabahuhan ko ngayon."

"Salamat bes, ikaw lang talagang nakakaintindi sakin. Salamat talaga." Sabi ko naman habang umiiyak.

"Sus! Okay lang yan. Makaka angat ka rin."
------------------------------------------------------------------------------------------

Tatlong buwan na ang nakaraan simula nang nag away kami ni mama. Mukhang wala talaga silang balak na malaman kung nasaan ako.

Isa ako sa mga manager sa isang retail shop. Oo. Naka angat ako kagad sa tatlong buwan.

"Miss, miss! May stock pa po ba kayo nito?" Tanong ng isang customer sa staff ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forgotten MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon