Maging ulan nawa ang luhang pumatak ngayon
Maging dilig sa mga pangarap gaya ng sibol na tinulungan ng ulan
Maging pataba nawa ang mga sakit
Sa mga pangarap na unti-unting nalalanta,
Mga bulaklak na unti unting naglalagas
Mga bungang nabubulok.
Ang pagluhang ito ay titigil din gaya ng ulan
Muling aawit ng kasiyahan ng mga ibon
Titingkad ang kulay ng mga bulaklak
Magpapakita ang liwanag ng araw
Lalabas ang bahagharing nagpapangiti sa lahat
Nakakatulig ang patak ng ulan sa bubong
Nakakatusok
Nakakalungkot
Lulunurin ka nito
Pero ang bawat ulan ay may katapusan
Gaya ng ulang lumunod sa sangkatauhan
Nalunod ang marami pero natapos
Naging panimula
Malulunod ka
Pero gaya ng baha
Lahat ng ito ay huhupa
Kung natagalan ang paghupa
Lumutang lutang ka
Dahil ay kapayapaan din makikita sa bawat pag-ulan
Sa bawat pagbaha.
BINABASA MO ANG
Koleksyon ng mga Tula
PoetryDahil sa nagdaang pandemya, marami kwento ng pagbagsak ngayon. Ngunit gaya ng bawat ulan, matatapos ito at sisilay uli ang araw.