Diniligan ng dugo ang binhi ng pag-asa ng pagbabago
Naging pataba ang mga bangkay ng mga sinasabing durugista
Bang! Bang! Ito ang nagsisilibing introduksyon ng musika
Ang mga panaghoy ng mga naiwan
Ang kapaklaan ng tunog ay sadyang ininda
Ng mga taong ginawa na lang na burloloy ang kanilang mga tsapa.
Ang awit na ito ang awit daw ng magandang ani
Mula sa itinanim na pag-asa ng presidente'ng hangad daw droga'y magapi.
Iilan pa ba ang luluha?
Iilan pa bang buhay ang kailangan wakasan?
Ilang pakpak pa ba ang babaliin?
Ilang sigaw pa ang di papansinin?
Hanggang kailan ba mananatiling suot nila ang mga piring?
BINABASA MO ANG
Koleksyon ng mga Tula
PoetryDahil sa nagdaang pandemya, marami kwento ng pagbagsak ngayon. Ngunit gaya ng bawat ulan, matatapos ito at sisilay uli ang araw.