chapter one✓

7 0 0
                                    

Yssa's POV

Nakaupo ako ngayon, nasa sala at nanunuod ng K-Drama.

"Omaaaayyy!!!!" Mahina kong sigaw ng malapit nang maghalikan ang dalawang karakter sa K-dramang pinapanuod ko. Nasapo ko ang bibig ko at namumula nako sa kilig. Napapahagikgik din ako. "Ayaaaan naaaa...acccckkkkk" Naniningkit na ang mata ko sa sobrang ngiti dahil nga kinikilig ako. Tapos---

"Pumunta ka kina Nelly." Tipid na sabi ni Kuya pagkatapos nyang patayin ang TV! Badtrip talaga tong hayop na 'to!

"Eh!!! Kuya nanunuod ako!" Naiinis kong sabi.
"Doon ka kina Nelly manuod!" Pagalit nyang sabi.

Alam ko tatambay nanaman sila dito ng mga barkada nya. Bweset.

Padabog akong umalis sa sofa. Nakakainis!

"Hi Yssa!" Bati ni Poloy. Silang tatlo ni Liam at kuya ang mas close at ansarap nilang pag-uuntuging tatlo. Pfft.
"Tsee!" Singhal ko at nilagpasan ko silang lahat. Napawi ang galit ko nang naka-salubong ko si Levi, ang gwapo talaga niya. Nginitian ko siya at ganon din ang ginawa niya. Lalabas na sana ako pero may humarang sa harap ko. As expected, with his crossed arms, fierce look and syempre ang nakakairita niyang presensya. Si Liam.

"Pwedeng padaan?!" Singhal ko at plastic ko syang nginitian. Nginisihan niya lang ako. Kaya tinabig ko ang kamay niya at tumakbo ako papunta kina Nelly.

Palagi akong kinakain ng galit kapag nakakaharap o nakaka-salubong ko si Liam. Ewan ko ba dun', para siyang pinaglihi sa sama nang loob. Psh.

Sa t'wing tatambay sila diyan sa bahay palagi nalang nila akong pinapaalis. Palaging kay Nelly ang landing ko. Pinsan ko si Nelly at bestfriend ko na rin. Alam kasi ng kuya ko na matagal ko ng crush si Levi kaya ayaw niyang nandiyan ako sa bahay pag tatambay sila. Teka, by the way, I'm only 16 ka gano'n nalang ang pagka-over protective ng kuya ko. Palagi ring wala si Mama dahil sya ang nagma-manage ng Coffee Shop namin.Gabi nalang kami nakokompleto at kung minsan kami lang ni kuya. Si Papa, bata palang kami pinagpalit na nya kami sa kabit nya. Magmula noong iniwan kami ni Papa, wala na kaming naging komyunikasyon sa kanya, it's been a decade since he left, pero sariwang-sariwa parin yung mga alaala namin na masaya at buo pa ang pamilya namin. At isa pa sa hindi ko makakalimutan, yung mukha ni, ni Papa. Naiiyak ako sa t'wing naalala ko yung bagay na yun. Hays.

"Hoy sis, ano na?!". Iritang tanong ni Nelly sakin.
"Teka, malapit na ako matapos." Tipid kong sagot.

Nasa kwarto ako, nagbibihis. Nasa mga alas-syete na ng gabi. Fiesta kasi ngayon sa bayan at syempre gagala kami. Kasama ko si Nelly, Si kuya Seb, ang mga tropa niya at si Levi. Hindi nanaman kasama si Mama syempre. Nasa bayan kasi ang coffee shop namin kaya paniguradong busy sya.

"Naks!" Puri ni Nelly at kaagad akong pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Bakit?" I asked shyly.
''Ang ganda mo Sasa, ays yan ah! Mukhang mapapansin ka 'nun panigurado". Sabi niya na ang tinutukoy ay si Levi.
"T-talaga?"
"Sus! Ang arte sis ah!?, o sya halika na!!!!" Sabi niya sabay hila sakin.

I'm wearing faded denim skirt, at simpleng plain white spaghetti strap sa taas. Naka puting rubber shoes lang din ako. Pero sabi ni Nelly you look stunning. Ewan ko sa babaeng yun, may kailangan ata.

Liam's POV

Napaka suplada talaga noong kapatid ni Seb, kala mo naman e ang ganda-ganda. Pft. Well, slight.

Nakahiga ako ngayon sa kwarto ko ng biglang nag-text si Seb.

Seb:
    Poy, alas-syete tayo mamaya.

A Different PathsWhere stories live. Discover now