- Ang Mundo Para Kay Jessica -
'' Class dismissed! ''
Syempre pa naunahan ko pang lumabas ng room ang teacher ko. Kanina pa ako ready para sa uwian eh. Hihihi! (^_____^)v
'' Izie, Fem, Anna, Rochelle, Jolens at Jhim, una na ako ha! '' Sigaw ko sa bintana ng makalabas na ako ng room.
'' Oo na Jessie, ganyan ka naman eh! ''
Tampo kunyaring sabi ni Jhim , bakla kong friend .
Jessie ang tawag ng mga friends ko sa akin.
'' Naku baka di ko na kasi maabutan si Dong Hae eh! ''
Lalo ko pang binilisan ang paglalakad ko ng maaalala ko ang paboritong koreanovela na sinusubaybayan ko.
Ang gwapo naman kasi ni Papa Carl slash Dong hae sa palabas na '' SMILE DONG HAE ''.
Ano ba yan kinikilig tuloy ako! \( * u * )/
Nakalabas na ako ng school.
Teka nga asan ba yung limang piso ko?
Kapa sa bulsa ng palda. Wala.
Binuksan ko na yung bag ko.
Hanap.
Hanap.
Ayun!
'' Mang Ben pabili ng mani! Dagdagan niyo po ah! '' ( ^ o ^ )
Bili muna ako ng mani para may mangunguya sa daan.
Malapit lang naman ang bahay ng tita.
Dalawang kanto lang mula sa school.
Maaabutan ko pa niyan si Carl my Loves. 4.30 pa lang naman eh. (^_____^)
Habang hinihintay ko yung maning binili ko, nagulat ako sa lalaking bigla na lang sumulpot sa harapan ko.
Anong problema nito sakin? May dumi ba ko sa mukha? (-_____-)
Seryoso niya kasi akong tinititigan.
Ay nakalimutan ko! Maganda nga pala ako. Baka na hypnotize or namesmerize lang sa beauty ko. Yun nga siguro! (^____^)v
Pero iba talaga tumingin eh.
Kung makatingin kala mo mangangain.
Pero para ding mangbibigwas ng mga masyadong feelingera?
Buti nalang di ako ganun. HOHOHO! ( ^ o ^ )
Napakunot na noo ko.
At di ko naiwasang taasan siya ng kilay sa pagtataka ko. (?___?)\
May tama ata.
Sayang, gwapo pa naman ni kuya. ( > 3 < )
Gwapo pa naman .
KYAAAH! ANG GWAPO NIYA SWEAR!
Takte , sinabi ko bang gwapo? Oo may swear pa nga kaya ibang level na yun! Makalaglag ano eh. Basta lahat ng pwedeng malaglag eh malalaglag! Tulo laway ko.. Nakakahiya! (>////<)
Halos dalawang dangkal lang ang layo nia sakin. Tingin ko hanggang balikat lang nia ako kasi halos nakatingala na ako sa kanya.
Ang puti at kinis. Kutis mayaman!<( * u * )>
Nahiya ata ang pimples na lumabas sa gwapong mukha nia. Chinito at medyo mahaba na mala-KPOP yung buhok. Pormang porma si kuya. Naka corporate attire pa nga eh.
San kaya lakad neto? Ganto na ba pumorma yung mga naaalok ng insurance ngayon? Ah baka naman aalukin ako ng encyclopedia. Grabe na talaga mga raket ngayon. Lumelevel up! Bilib na ako. Salute! (^____^)\
Sayang talaga. Gwapong gwapo talaga eh. Kaya lang may tama ata talaga. 10 seconds na ata kaming nagtititigan. Tagal naman akong ikiss nito!
HALAAAA! ERASE! ERASE! Parang timang na kami dito! <(>___<)>
'' Jessie eto ng binili mo. ''
Lumingon ako kay manong para kunin yung binili ko. Kilala niya ako kasi kaklase at kaibigan ko yung anak niya.
'' Salamat po! '' (^_____^)
Paglingon ko kay kuya na GWAPO pero mukang may topak ay..
/( O . O )\
Si kuya , bakit luluhod ?
Ayan naka luhod na sa harap ko ! /(>____<)\
'' HALA kuya ! BAKEEEET ? '' Naloloka na ako!
Napalakas ata ang pagkakasabi ko kasi may mga tao ng tumitingin samin plus itong si kuya, agaw pansin pa, di ko alam kung dahil nakaluhod siya sa harap ng isang maladiyosang 4th year high school student o dahil makatawag pansin lang talaga yung kagwapuhan niya.
HALA! Takte, dami ng nakakakita sa amin. (>////<)
TAYO KA NA KUYA!
Ano ba tong si kuya, balak bang halikan paa ko ? Bakit lumuhod? Wag po virgin pa paa ko!!
Natigil ako sa pagbabaliwbaliwan ng mapansin kong tila may kukuhanin siya sa bulsa niya.
BARIL! <( o . O )>
Baka baril! Wala akong kasalanan. Juskoo! Bakit niya ako papatayin. Madami pa akong pangarap sa buhay. Di ko pa natatapos yung koreanovelang SMILE DONHAE. At babarilin pa talaga ako?
Wag po! Wag po. Sigaw ng isip ko. <(>o <)>
Di ko pinangarap mamatay sa tama ng bala ng baril. Sayang yung oh-so-beautiful na parte ng katawan ko na dudungisan lang ng bala ng baril. Teka, ang weird naman ata. Nakaluhod na ba ngayon ang posisyon ng taong mamamaril?
Napaatras ako .
Di maaaring mapatay ako ng di nakakatakbo man lang .. \(+____+)/
Pero bago ako makatakbo, nakita ko rin naman yung linabas niya mula sa kanyang buksa. Isang maliit na kulay pulang kahon. Binuksan niya at inilabas ang isang singsing. Isang shinning shimmiring gold ring.
Singsing naman pala ang ilalabas ni kuya.
Napaka OA mo talaga Jessie.
Makakahinga ka na ng maluw-
Teka? Singsing? /( O o O )\
Mas lalong nanlaki ang mata ko at napanganga na ako.
Parang nanigas ako at di ako makakilos mula sa kinatatayuan ko.
Kinuha niya ang kamay ko at tinanggal ang papel na supot ng maning nasa kamay ko .
Teka yung mani. Limang piso din yun. Pero dahil malambot naman ng kamay mo eh, sige kuya, tapon mo nayang mani na yan. Hihihi! \( * u * )/
Hinawakan niya ang kamay ko at narinig ko ang isang napakagandang boses na panlalaki..
Boses niya. At lumabas sa maganda at mapupulang labi niya ang mga salitang,
'' Will you marry me? ''
HER SILVER NOTE:
Hello! Sana po nagustuhan ninyo ang unang chapter. First time ko lang kaya pagpasensyahan ninyo na po kung may dapat pagpasensyahan.
Grabe, nangangain pala ng tanga ang wattpad. HAHAHHA :D
Nga pala, dinededicate ko ito kay Prince of Banat. Kahit di niya ako pinayagan sa pinagpaalam ko... basta. Naunawaan ko naman. HAHAHA :D THANK YOU sa iyo at sa inyong lahat. ^______^
P.S Ang "- Ang Mundo Para Kay Jessica-" ay ang abnormal na version ng " JESSICA's POV''. Pag may nakita po kayong "- Ang Mundo para kay Churvaloo -", ibig sabihin nun si Churvaloo ang nagkwekwento. Kabadingan lang po talaga yung mundo mundo thingy. Maiba lang. :''3
BINABASA MO ANG
It Takes Two Words, One Finger To Forever (ON HOLD)
Teen FictionTalaga bang It Takes Two Words, One Finger to Forever? Kanino sasabihin at ibibigay ni Jessie ang TWO WORDS and ONE FINGER? TWO WORDS? Mauwi kaya ang " I DO " sa " F*CK YOU " ? ONE FINGER? Sa halip na " RING FINGER " ba eh ang " MIDDLE FINGER ang ma...