VII

102 3 0
                                    

- Ang Mundo Para Kay Jessica -

'' JOY TO THE WORLD

THE LORD HAS COME

AND LA LALA LALA

HOHOHOHO!

MERRY CHRISTMAS MGA KABARANGAY! '' (^ o ^)

ASDFGHJKL!!

Ano ba yan?!

'' Aray ko po! '' (>____<)

Napahiga ulit ako matapos kong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa kama.

Shete! Ang sakit ng ulo ko! Parang binibiyak.

Arghh! Ano ba kasing ingay yun? (-____-+)

Teka, anong oras na ba?

Nasaan na ba yung cellphone ko?

Nang makapa ko yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko,

nakita kong 10 :15 na pala ng umaga!

Mayroon ring sandamakmak na messages at ilang missed calls akong natanggap.

Narinig ko na naman yung malakas at masayang pagbati ng isang boses lalaki gamit ang kanyang megaphone.

Ito namang si kapitan! Babati lang mambubulahaw pa!

Pagtagilid ko sa kama, nakita ko na may nakapatong na isang basong tubig at gamot sa side table ng kama ko.

Oh, thank you Tita!

Ininum ko na agad yun at muling nahiga at ipinikit ang mga mata.

Ang sakit talaga ng ulo ko. Takteng Daryll yan!

Waaah! Di na po ako maglalasing ulit. Huhuhu! (TT___TT)

Kagabi, matapos naming maganoche buena, itong si Daryll ay nagpaalam kay Tita kung pwede bang uminom ng alak.

Pumayag naman si Tita kasi sa bahay lang din naman kami.

Nagalok pa nga ng red at white wine eh. Kaso tumangi si Daryll. Dahil may dala dala daw siyang alak sa kotse niya. May balak ata talagang maglasing ang bruha! (=___=)

Dahil nga alam kong malungkot siya dahil first time niyang magpapasko na hindi kasama ang pamilya niya ay sinamahan ko na siyang uminom.

Ako naman eh. Patikim tikim lang ng alak pag may okasyon. Hindi ako sanay ng talagang inuman.

Pero ang sarap nga talaga nung pinainom niya sa akin eh! Kaya ayon, di ko na malayan na nakalimang bote na pala ako. Huhuhu! (TT___TT)

Grabe, di ko talaga maimagine kung paano ko na nainom yun! Paano ba naman, bukod nga sa masarap yun eh nilibang din ako sa kwento ni Daryll.

Hindi pala mapipigilan ang bibig nitong si Daryll pag lasing! Kung anu anong kwento ang pinagsasasabi ng bruha!

Polluted na nga yung 21.88% ng utak ko dahil sa mga pinagsasabi niya. Huhu! (TT___TT)

Nagkwento pa ang bruha tungkol sa mga naging jowa niya!

Tawa naman ako ng tawa ng nalaman kong pinilit siyang makipagrelasyon sa isang babae doon sa France! Diring diri ang gaga! Hahahaha!

Nanlaki naman ang mata ko malaman kong nakalimang boyfriend na siya! LIMA! Isang nagsusumigaw na FIVE EX-BOYFRIENDS! Yung totoo?! Ako nga tong may matres pero isang nagwawalang NO BOYFRIEND SINCE BIRTH ang status!

It Takes Two Words, One Finger To Forever (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon