Dungawan

14 1 0
                                    


Nakadungaw sa bintana
Nakatingin sa mga tala
Tanong sa sarili, Bakit ka nawala?
Bakit ka umalis sa aking mga yakap
At iwan ako, mag isang nangangarap

Hindi ko alam kung ano ang pag kukulang
Ang ating mga memoryang ay nag mimistulang
Mga kadena sa paa na ayaw akong paalisin
Mistulang isang matinding bangungot pero ayaw kong gumising

Dahil naniniwala ako, na ang bangunot na ito
Ay magiging magandang panaginip sa tamang panahon
Bilangin man ang buwan, araw at taon
Mananatiling pikit ang mga matang ito, sa kama'y hindi babangon
Mananatiling pikit, pilit lalabanan ang tindi ng bangunot
Ibubulong ang sakit na nadarama, dahil sa mga sugat ng alala, sa tinaklob kong kumot

Ngunit naalala ko, may isang taong nagsabing
"Hindi lahat ng sugatan, Tama ang pinag laban"

Ayoko ba'y lilisan na, sa dungawan na ito
Kailangan ko na bang alisin sa tala ang paningin ko

Dahil pag tumingin ako, sa ilalim ng mga tala
Makikita ko nanaman ang iyong magandang mukha
Ang iyong mga ngiti na minsan nang naging ako ang dahilan
Siguro'y panahon na para akoy lumisan dito sa dungawan

Dahil tatanggapin ko na
Ang katotohanang masakit pero kailangan
Tatanggapin ko at ipipikit ang mga mata
Na masaya ka na sa piling na iba
Saksi ang mga tala at buwan, sa aking pamamaalam sa ating nakaraan
At tuluyang aalis, sa ilalim ng dungawan

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 01, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ImbakanWhere stories live. Discover now