#1 [My New Boss]

102 4 0
                                    

#1 [My New Boss]

Bea's POV

"Ma'am Bea pinapapunta po kayo ni Sir sa office niya."

Teka? Ako? Ano naman kayang kailang ng bagong boss sa akin?

"Ma'am Bea.. nag hihintay na po Sir!!"

"Ah, Oo nga pala sige, tara na." Tumayo na 'ko at mukhang nag madali yung nag sundo sa akin eh.

Pag dating namin sa tapat ng office ni Boss iniwan na niya 'ko.

Hindi ko alam pero parang may nag sasabi sa akin na wag buksan yung pinto.

"Come in."

"Ay tinapa!!" Nakakagulat naman. Pano nalaman noon na nasa labas na 'ko?

'malamang may CCTV bea, tanga lang?' sabi ko sa aking sarili.

"I said come in."

Nag mamadali ba talaga lahat ng tao mgayon? ha?

"Coming sir."

Agad kong binuksan ang pintuan at sumalubong sa akin ang lalakeng naka upo sa swivel chair at naka corporate attire a typical boss.

Pero ang hindi typical dito siya ang Ex-boyfriend ko.

Kung bakit kami nag split? Well di pa naman talaga kami nag iisplit kasi walang formal break-up pero matic nanaman yun di ba? Ng iwan siya eh.

"Tss."

"Tss. ka din!" Bulong ko. Kala mo naman ang gwapo nito!

'Sus, gwapo naman talaga mag boboyfriend ka ba ng pangit?' Ang dal-dal ng innerself ko tss.

"Are you whispering something Ms. Fuentez?" He smirked.

"No sir, Bat niyo nga 'ho ba ako pinatawag?" Bihira lang kasi ako ipatawag sa office of the boss.

Think of it Engineering and Architecture Department Head ako kaya madalas nag papadala lang ng commands sa akin.

"Have a sit first." At biglang lumitaw galing sa ilalim ang isang upuan. Naks, High-tech!

Umupo ako sa upuan without looking in him mahirap na baka muling bumalik ang tamis ng pag-ibig lol.

"So sir, Ano na 'ho?" Tanong ko, nagmamadali din ako eh.

"I just want to give you another job."

"Another job? Dalawa na 'ho posistion ko sa company sir pag dinag-dagan mo pa ng isa ba masyado naman akong yumaman niyan." I smirked pero pabiro ko yung sinabi.

"No, its not related to your company job."

"Then, what is it?"

"I want you to draw a plan for my house and take charge of it." Napataas ako ng tingin sa kanya?

Ako? Gagawa ng bahay? Building plans ang mastered ko hindi house plans.

"But sir? I'm not a good house architect maybe I can refer you to one of my frien--" I wasn't done talking when he interupt me.

"I want you bea."

Ano daw? Nabibingi ata ako.

"I want you bea."

"I want you bea."

Inner self naman kailangan paulit-ulitin?

"Sir?" Taas kilay kong tanong.  "You want me to take Charge of your house?"

Siguro nga yun ang gustong sabihin ni sir.

"Yeah." Napatingin ako sa kanya.

Para akong pinag bagsakan ng langit at lupa so ganoon na nga lang after 2 years ni 'Hi' wala man lang?

Talaga bang hanggang employee na lang ako taga gawa ng bahay mo na hindi ko alam baka sa mga mag dadaan pang panahon bahay na din ng asawa at mga anak mo.

"Ah, Ganon 'ho ba Sir?" Umiwas na 'ko ng tingin. "Sige 'ho mauna na 'ko madami pa 'kong gagawin eh.."

Tumayo na 'ko at tumalikod kasabay ng tahimik kong pag hikbi.

Dinaig ko pa ang teen ager na broken hearted! 20 years old na 'ko oh pero iniiyakan ko pa din ang pag ibig.. Naka graduate na ko ng dalawang course na sabay kelan kaya ako gragraduate sa heart aches?

"Aalis ka na lang?"

Naphinto ako ng marinig muli ang boses niya.

Pinunasan ko ang uhog kong nag babadyang tumulo bago nag salita. "Ay hindi pa babalik ako kahit paalis na talaga."  At umirap pa ko, di bale di niya naman kita.

"Ganoon ba? tss." Nalaman ko na lang na tumayo siya dahil sa tunog ng swivel chair at yagabag ng kanyang paa.

"Oo."

"May Nakalimutan ka tss."

"Wala kaya!"

"Meron."

"Wala nga! Kulit nito."

"Meron nga."

"Fine, ano ba yun?"

Tumalikod uli ako at nasa harap ko na pala siya.

"Yung puso ko boo."

Nanlaki ang mga mata 'ko.

He's Holding a boquet of roses at dalawang heart shaped box na ferero.

"Happy Third Anniversary Boo.." He smiled.

Nakakatuwang Isipin na di niya nakalimutan. Pero akala ko break na kami? Wala tuloy akong gift.

"Ha? eh? akala ko break na tayo chris.." Kamot ulo kong tanong.

Minsan talaga masamang maging honest eh.

Yung nakangiti niyang labi biglang  bumusangot.

Eto nanaman po kami Good bue sweet side ni Chris hello nanaman sa Masungit niyang side. Bakit ba kasi ako nagmahal ng Bipolar?

"Tss, K." Sabi niya at bigla niyang kinuha yung kamay ko at nilagay yung boquet at chocolates. "Paki tapon na lang sa labas." He said.

"Wag naman!" I glared at him.

Sayang yung chocolates eh! yung flower na lang itatapon ko! O, di kaya ibibigay ko sa bestfriend ko sasabihin ko ako nag bigay lol.

"K"

Tinalikudan nanaman niya 'ko.

"K zoned nanaman ako." Hinipan ko yung bangs ko pa taas para kasing nakakapag release ako ng stress pag ginagawa yun.

"K"

Nag bukas siya ng isa sa mga documents at nag basa na doon. Habang ako naman mukhang tanga lang dito.

Makalipas ang ilang Minuto napag isipan kong bumalik at umupo sa inupuan ko kanina pero ng pa upo na 'ko biglang nilamon ng lupa yung upuan!

Ang Ending sinalo ng lupa yung pwet ko kainis ka Chris!! Nanadya ka pa talaga ah!

"Pft" sabi niya pa at mahinang tumatawa, talaga naman!

"Kainis ka! Bahala ka nga diyan sa buhay mo!" Tumayo ako kahit masakit yung pwet ko at nilapag sa lamesa niya yung boquet at chocolates. "Bwisit ka! Wag mo 'kong mautus-utusang itapon yan dahol arkitekto at engineer ako dito hindi mo PA hmp!" Inirapan ko siya at nag martsa palabas!

Bahala ka diyan! Ngayon declared na talagang single ako bwiset!!

x-Ms-Stupidita-x

My Arrogant BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon