1st Wish: genie-wanna-be

70 2 0
                                    

1st Wish: genie-wanna-be

[a/n: sa halip na chapter po ang ilalagay ko, wish na lang po ang inilagay ko. pati po yung sa mga pov ay wish din. Kaya wag po kayong malilito. ]

“layuan mo na nga ako! kanina ka pa! bwiset ka!” sabi sabay talikod sa kanya.

Grabe, kanina pa yan sunod ng sunod sa akin! Hindi ko naman siya kilala! Nakasalubong este hinarang pala nya ako sa daan. Ewan ko ba kung naka-drugs yan o baliw lang talga!

Bigla ba naman akong hinarang at sinabing ‘tutuparin’ daw niya ang wish ko. ano siya fairy godfather o genie? Psh. At ito pa ang malala, iniligtas ko daw ang buhay niya? paano yun? eh, ngayon ko lang yan nakita! Saka, paano ko yan ililigtas? Ano ako?

Heroine?

Teka, diba drugs yun?

Ah, basta! Akala niya siguro, maniniwala ako sa kanya! Psh! Never as in! Never! Neknek niya! anong tingin niya sa akin?! Uto-uto?! =____=

“Rinslet, ano ba kasing wish mo?” hala, sumusunod pa rin sa akin to! stalker ko yata to eh! hindi ko nga alam kung paano niyan nalaman yung name ko!

Dinedma ko na lang siya. malapit na naman yung gate eh. nakikita ko na.

Yah, naglalakad lang ako. Ang lapit lang naman kasi ng school sa bahay ko eh. Tsaka may benefit rin yun sa akin nu! Di ako nale-late, plus nababawasan ang fats ko. Pero hindi naman ako mataba!

“promise, tutuparin ko naman eh!” I stopped walking and glared at him. “maniwala ka naman! totoo yung sinasabi ko! iniligtas mo yung buhay ko! so sa aking kabayaran, hayaan mong tuparin ko ang isa mong wish”

I just rolled my eyes. Tss. Ang kulit ng lahi nito! “tigil tigilan mo nga ako diyan sa kaek-ekan mo, genie wannna be! Maghanap ka na lang ng ibang lolokohin mo! Layo! Kung sino ka man!”

Tapos pumasok na ako sa loob ng gate. Kaso napatigil ako ng magsalita siya.

“the name is Clloyd!” hala, sumagot eh hindi ko naman siya tinatanong. Tss… -______-

Ano nga daw yung pangalan? Cloud ba? oo nga yata, Cloud. Psh. Dun na lang siya sa ulap na pinanggalingan niya~!

Naramdaman ko namang sumusunod pa rin siya, adik lang? bawal kaya dito ang outsiders!

“bawal pumasok dito ang hindi student dito! shupi!”sabi ko abang tinutulak ko siya palabas ng gate. Buti na lang pala at hindi kami napansin nung guard.

Hindi na siya naka-angal pa kasi pagkalabas na pagkalabas niya, ay kumaripas kaagad ako ng takbo. Nung medyo malayo-layo na ako sa gate ay lumakad na lang ako.

Time check: 7:55 am

Sus, 7:55 pa lang naman pala! hay!

\(-o-)/

O____O!!!

7:55 na!

Sh*t! sh*t! SHIT-zu! Malelate na ako! Bwiset yung cloud na yun! pag, ako na-late, bubugbugin ko siya pag nagkita pa kami!!! Kasalanan niyang cloud na yan! grrrRRRrrrr!!!!

Sh!!!!!!!t-zu naman oh!!

+++

Whooo!! Break time na! at may good news ako sa inyo! Hindi ako na-late! Wippeee!!! Paano nangyari yun? mas mabuti na lang na huwag niyo na lang alamin ksi muntik lang naman po akong malagutan ng hininga! Bwiset yung ulap na yun!

“hahahaha~! Nice one Rinslet! 1 minute before time ka dumating hahahah~!” sabi ni Aimi

Sige, tawa pa, mabulunan ka sana!

I'll Always be by your SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon