Chapter 1: Slow-mo

18 1 0
                                    

"Sam ano ba gusto mo? Photographer or score keeper?" Tanong sakin ni Kylie 

"Eh alin ba mas madali?" 

"I don't know. Yung sa pictures, syempre pipicturean mo yung tournament and mga team. For score keepers naman, medyo difficult lang kasi kailangan mo tutukan ng maigi yung statistics, fouls or penalties nung players." 

Shocks. Kala ko audience lang ako, na scam na naman ako ✖‿✖ Pero I heard libre yung lunch namin kaya for the sake of food, I'll cooperate nalang! Pangalawa, sumama lang naman ako para manuod ng basketball game kasi may team si dad na he's coaching so I'm there to support them. Kaso nga lang, di sumama si dad so basically, wala yung coach ng Team Fire Ballers. 

Tsaka inutusan din ako ni dad na ibigay ko daw yung jersey niya dun kay Dylan Sanchez, isa sa pinaka matangkad sa team and I heard he's the youngest. 

"K fine, I'll do the pictures." Sabi ko at binigay niya din kaagad yung camera niya

Mas kampante pa ko maging photographer kesa naman sa pagiging score keeper eh madami na rin ako experience sa pag pipicture, minsan nga ako taga picture kila dad pang facebook niya lang. Kaso tagal ko na rin di naka operate ng Canon EOS R. Sana nga lang maganda yung shots ko (▰˘◡˘▰)

Ako nga pala si Samantha "Sam" Brillantes, 16 years old at di ko pa alam kung anong purpose ko dito sa mundong ito–joke! Mahilig ako magbasa at kumanta. Syempre sa pagkakanta lang ang maipagyayabang ko ✌.ʕʘ‿ʘʔ.✌

Anyways, andito kami sa sportsplex ng University of Guelph kung san ginaganap yung tournament para sa filipino basketball league. Alam ko na rin kung bakit kayo nagtataka dun sa name ng school. Unfamiliar di ba? Kasi wala ako sa pinas, I moved to Canada five years ago. Medyo nakaka-homesick but my future is in this country.

Saktong 9am nagsimula na rin yung tournament. Siguro around 6 teams lalaro ngayong first day, narinig ko two days daw yung tournament. Nakapwesto kami sa other side ng court, kumbaga kung nasa left side yung mga audience, nasa right side naman table namin kung san din nakapwesto yung scorekeepers and other basketball committees.

Ilang shots na din na picturean ko–maybe around 60 shots na. Medyo mainit na dito eh sino ba naman magsusuot ng grey hoodie, jeans, and white nike roshes on a hot summer day (✿◠‿◠)

Napansin ko may grupong lalake sa labas ng court, bagong dating ata. 

Teka sila boss Kylle yun ah. Andito na pala yung basketball team ni papa. 

Kinuha ko na rin yung bag ko at tumayo sa kinauupuan ko. Hinintay ko muna matapos yung first quarter para di na ko tumakbo para tumawid ng court. Pano kung madulas ako, nakakahiya kaya yun. 

--------------------------------------------------

San na ba sila? Andito lang yun mga yun kanina. 

Napakamot nalang ko sa ulo at naglibot sa lobby baka dun lang sila nakatambay. 

"Boss Sam!" May tumawag sakin 

(⊙︿⊙✿)

Napalingon ako at nakita ko si boss Allen

(✿◠‿◠)

"Uy boss! Musta? Asan team mo?" 

"Okay lang naman. Hinahanap ko rin sila eh. Si coach?"

"Di sumama si dad, may party kasi samin mamaya sa bahay." 

Tumango nalang siya 

"Boss bigay mo nga to kay Dylan, hiramin daw niya jersey ni dad." Inabot ko sakanya yung damit 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

First LoveWhere stories live. Discover now