To Maxinejiji

39 5 0
                                    

Maxinejiji

Isang hambog na babae,

At kayabangan niya ay Grabe,

Pero tinitingala siya ng napakarami,

Dahil ugali niya ay napakabuti.

Noong una ko siyang makilala,

Labis ang tuwang nadarama,

Sapagkat ng dahil sa kanya,

Nagkaroon ako ng bagong pamilya

Kahit sa personal ay di ko pa siya nakikita,

Masasabi kung napakabait niya,

Dahil kaming mga jijiera ay tinuruan niya,

Na magkaroon ng respeto sa isa't isa.

Hinding hindi kami magsasawang suportahan siya,

Sapagkat kabutihan niya ay hindi nawawala,

At patuloy kalang na mapapahanga,

Sa mga istorya niyang kakaiba.

Napaka swerte ko dahil nakilala ko siya,

Sapagkat ang mga istorya niya,

Ang saki'y nagpapaligaya,

Kapag ako ay may problema.

Kapag nabasa mo na ang mga sinulat niya,

Talagang mapapahanga ka,

At masasabi mo na,

LODI the best ka talaga.

Kaya mahal na mahal ko siya,

At iniidolong talaga.

-blue_lene



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 19, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tula para kay IdolWhere stories live. Discover now