prologue

14 4 6
                                    


This story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, businesses, events, and places are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary. Any resemblance to actual persons, events, and other works of fiction is purely coincidental.

Please be advised that this story contains mature themes and strong language

+

"Ate! The school bus is here na!" rinig kong nagdabog si Natalee sa may baba ng hagdan. 

"Oo eto na!" pagmamadali ko. 

Pagbaba ko, nauna na ang kapatid ko sa sasakyan. Medyo hingal akong pumasok sa loob at tumabi sa kanya. 

"Pfft," tawa ng kaharap ko. It was Joshua, one of our childhood friends who lives two houses from ours. He's a year younger than Natalee. 

"What?" tinaasan ko siya ng kilay. 

"Where are your socks?" he made a face na nakakaasar. 

"Oh yeah," I bobbed my head and kinuha ang black knee high socks ko sa bag. Sa sobrang pagmamadali ko, nilagay ko nalang yun sa backpack ko para sa school bus na isuot, "thanks." 

"Stupid." Joshua scoffed. 

Papatulan ko na sana, but his older brother, Quin, glared at us both. Natahimik kaming dalawa and Natalee chuckled. Sinandal ni Quin ang ulo niya sa bintana and went back to sleep.

Nang makarating sa school, nagmadali kami papunta sa high school building dahil sa may grade school kami usually binababa ng driver. 

"Good morning!" I greeted Quin at naglakad ako palapit sa kanya. Hindi ko napigilan ang ngiti ko. He looked so handsome kahit na he was still half-asleep. 

"Morning." he yawned. 

"Bakit antok na antok ka? Nanuod ka nanaman ng porn kagabi no?" biro ko. 

He frowned, "What?" Mukhang nainis. 

"Okay lang yan, I won't judge." dagdag ko pa habang pasimpleng tinapik ang balikat niya.

He sighed at napasapo siya sa noo, "You always manage to make my head hurt, Evie." 

"Wag mo kasi ako masyadong isipin, Quin. Tingnan mo, kinukulang ka na sa tulog." kindat ko. 

Napatawa na siya, "You wish."

"Oh how I wish talaga, Joaquin!" I thought, natawa na din ako. 

I've known Quin all my life. 

His mom, Tita Chelle, had been best friends with mine since their med school years. Because of that, naging mag kumpare na din sila daddy at Tito Dennis. They even got a lot two houses from ours and doon nagpatayo ng bahay. 

We've been really good friends ever since preschool, at dahil sa mas marupok pa ko sa sapatos ni Cinderella, hindi ko naiwasang mahulog sa kanya. 

Good thing, for me, na pinupush kami nila tita at mommy dahil gusto nilang maging mag balae. At first, ang alam kong usapan nila since college is to set their first borns up, but nauna na sila mommy magkaanak and ate Laia Rose was three years ahead of us.

Hindi ko lang alam kung pinlano nilang magkaanak ng sabay kaya nabuo kami ni Quin at ipinanganak a month apart, pero kung ganoon na nga, edi thank you po sa support! 

Dagdag pa ng parents namin na bagay kami since pareho din kaming mag dodoctor at parehong susunod sa mga yapak ng mga magulang namin.

Another med school couple, they say. 

We were all expected na mag-aral din ng medicine sa alma mater nila mommy, The University of Santo Tomas. Pati sila Joshua at Natalee ay walang kawala. Si Ate Laia Rose nga, biology major na doon for her pre med. Ginusto niya kaya iyon? 

Ngumingiti nalang ako pag nababanggit nila ang pag dodoctor ko. Sa loob loob ko, hindi pa naman ako sigurado. Gusto ko silang maging proud sa akin, pero what if hindi ko naman kaya? What if hindi naman ako kasing galing nila? What if hindi naman ako doon sasaya?

Si Quin kaya?

Gusto niya ba?
O nalilito din siya gaya ko? 

Biglang nagmadali ang lahat nang marinig ang sipol ng head teacher namin. It was time for the morning assembly and students were lined up according to our sections. 

"Bye!" I smiled and waved at Quin. 

He just shook his head at pumunta na sa section nila. Pumunta na rin ako sa pila ng amin. 

"Kita namin yun!" bungad ni Charles, nagpupunas ng pawis sa noo gamit ang panyo niya. 

"Aga aga, ang harot!" pang-asar ni Irina. 

"Inggit lang kayo." I waved my hair. 

We laughed and the assembly started. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

they say we're crazyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon