Ako si Reign, writer sa isang medyo sikat na page sa facebook. I'm still a college student at isa 'tong way para may mailagay agad ako na experience sa resume after graduation. Alam niyo naman sa Pilipinas, in order to gain experience, you have to have experience. The logic. Kaya I'm preparing everything para sa mas madaling career hunt in the future. 3 years na akong writer.At ngayon, I was assigned to write an article about the rising stars here in the Philippines. Hindi naman na sila bago sa pandinig ko dahil sa school, isa sa mga madalas kong marinig ay ang pangalan ng grupo nila—ang Nexus.
Kung kilala niyo ang mga sumisikat na grupo dito sa Pilipinas na parang k-pop, parang ganon din sila. Isa sila sa mga aspiring artists na gustong ipakilala sa buong bansa, at kung maari, sa buong mundo ang kanilang musika at talento. Sounds great, right? I have huge respect for artists at sa lahat ng mga tao na ginagamit ang kanilang talent para maibahagi sa iba. I wish I had their confidence. Hanggang sulat lang kasi ang kaya kong gawin. Nothing more, nothing less.
Bago mag-start ang event ng Nexus ngayon, nandito na agad ako. Thank you na rin sa media pass na binigay sa akin nung head admin nung page. 8:30AM pa lang, 3PM pa ang show pero sobrang dami na agad tao sa labas na naghihintay makapasok.
Nakakatuwa naman at marami ng tumatangkilik sa sariling atin. Nag-ikot ikot muna ako dito at nag-observe. May mga reporters na rin na nag-aabang para i-cover ang show at may ma-report sa balita. Sa kabilang banda ng dome, may mga nagbebenta ng merchandise na may mukha ng memebrs ng Nexus. Chineck ko ang booths nila, in fairness, magaganda rin ang mga binebenta nila.
Bago ako pumunta dito sa event na 'to, I've researched about them already, para mas madali sila isulat at gawan ng article. Mahirap na sa panahon natin ngayon, sensitive ang mga tao, isang mali at malabong pahayag mo lang sa sa sinulat mo, cancelledt ka na agad ng mga tao. Which is I understand din naman dahil obligasyon ng mga writers na magsulat ng facts at concrete details para sa mga readers.
Pagpatak ng 1:30PM, nagpapasok na ng mga manonood, parang may lindol sa dome. Sobrang daming tao at napakaingay. Lalo pa itong umigay nung pinatugtog ang mga hit songs ng Nexus. Lahat ng mga manonood ay nagsabayan sa pagkanta at pagsayaw. Makikita mo talagang ang tagal nila hinintay ang moment na ito para masaksihan ang kanilang mga idolo. Napangiti ako. Alam ko ang feeling ng may hinahangaan dahil dumaan din ako sa phase na \yan, yun nga lang, dahil nawalan ako ng time ngayong college, hindi na ako masyado active sa mga fansclub. Wala rin akong pera para makabili ng mga concert ticket ng idols ko. Bakit hindi ako manghingi sa head admin ng page? Junior writer pa lang kasi ako at hindi ako priority kapag international artists na ang usapan. Naiintidihan ko naman sila, at ayaw ko na rin mag-abala pa na makiusap. Busy rin talaga ako.
Exactly 3PM, nagsimula na ang show. Halos mabingi ako sa mga sigawan, hiyawan, at iyakan (oo, may nakita ako sa gilid ko na umiiyak habang kumakanta ang Nexus). In all fairness, catchy at meaningful nga ang mga kanta nila. Kahit hindi ako fan, masasabi kong mahal nila ang ginagawa nila at talaga may passion. Ramdam na ramdam mo sa bawat galaw at kanta nila sa stage. Tumagal ng 2 oras ang show.
After mag-paalam ng Nexus, pumunta na rin agad ako sa backstage para kuhanan sila ng picture at magtanong sa kanila kasama ang iba pang reporters at writers. Parang presscon, ganon ba?
After mag-tanungan, nagpaalam na rin sila agad at may interview sila sa kilalang broadcasting company dito. Habang nasa taxi ako pauwi, nag-iisip na ako ng draft para sa article na gagawin ko.
BINABASA MO ANG
The First and Last
Short StoryMeeting you was fate. Becoming your friend is a choice...but falling in love with you was out of my control.