Best Friends turned into...

989 34 15
                                    

16th Birthday ko na, excited na excited na ko kasi ngayon yung araw na ipagtatapat ko na sa'yo yung matagal ko ng pinagkakatago-tago.

Sana maging positibo ang sagot mo. Sana ako rin ang tinitibok ng puso mo.

Simula pa lang kasi na maging classmate kita nung first year high school tayo, nabighani na ko sa kagandahan mo, corny man pakinggan pero yun yun eh.

Hanggang sa maging kaibigan kita, at lalo pa kong nahulog sa'yo kasi maganda ka na nga, sobrang bait mo pa.

Ako pa nga ang nagiging tulay ng mga lalaking nanliligaw sa'yo kasi ako daw ang best friend mo. Feeling ko tuloy bakla ako, kasi sila may lakas ng loob magtapat at manligaw sa'yo pero ako? eto, natotorpe tuwing nakikita ka.

Sabi mo nga noon eh, Oy ikaw Erik! wag na wag mo kong subukang ligawan! baka gusto mo ring mabasted! HAHAHAHA

Nakitawa na lang ako sa'yo no'n at sinabing, Ikaw? liligawan ko? HAHAHAHAHA ayokong sirain yung pagkakaibigan natin noh,tsaka parang kapatid na rin kita, makulit na makulit na kapatid! HAHAHA

Akalain mo nga naman oh, ang galing ko palang umarte kahit na parang binagsakan ako ng langit at lupa nung mga sandaling sinabi mo sakin ang kinatatakutan kong bagay, ang maging kaibigan na lang ako sa'yo habang buhay.

Takte naman Julia, hindi pa nga ako nanliligaw sa'yo binasted mo na ko. Pero siyempre, hindi ako tulad ng mga nanligaw sa'yo, na matapos mong basted-in, humanap na agad ng iba.

Iba ako sa kanila, alam ko yun, kasi kahit na binasted mo na ko, hindi ako titigil na mahalin ka, hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa.

Iniisip ko na baka masyado ka lang immature kaya nasabi mo sakin yun, na baka naiinis ka lang sa mga makukulit na nanliligaw sa'yo kaya ayaw mong maging isa ako sa kanila.

Sa sobra nga nating clingy sa isa't-isa eh napagkakamalan lagi tayong mag kasintahan, pero sabi mo, Hahaha, Hindi bestfriend  ko lang tong unggoy na to HAHAHA dba unggoy?

Tumungo na lang ako sayo nun at bumuo ng isang pekeng ngiti.

Tibay ko noh? wala eh, mahal na mahal na talaga kita.

Kaya eto, nagpapogi ako para sa'yo ngayong araw, para ma-appreciate mo naman na pogi pala ang best friend mo. Malay mo, mainlove ka pa sakin.

Kasabwat ko lahat ng malalapit nating kaibigan sa paghahanda ng pagtatapat ko sa'yo. Gusto ko kasi na maging maganda at espesyal na gabi ito para sa ating dalawa.

Naisipan naming ganapin sa open garden sa likod ng bahay ang pagdiriwang ng birthday ko. Mayroong mga decoration lights na nakasabit sa mga shrubs. Mayroon ding mga tables pero ang pinaka-maganda ay ang table sa gitna, na para sa ating dalawa. Mayroong din orchestra na nagbibigay ng tugtuging masarap pakinggan. Nagsisi-datingan na rin ang mga kaibigan natin. Perfect na ang lahat, ikaw na lang ang kulang.

7:00 pm ang usapan pero 8:30 na wala ka pa rin, nabusog na ang mga mokong na to sa handa pero ako eto, nakaupo sa table natin at hinihintay ka.

Kahit na may nagsasabi sa loob ko na baka hindi talaga ako ganoon ka-espesyal sa'yo kaya hindi ka nakapunta dahil sa iba mo pang pinapahalagahan, may nagsasabi pa rin sa isang parte ng puso ko na baka na-traffic lang, baka male-late lang pero pupunta pa rin.

Erik ano? itutuloy pa ba natin to? umaambon na, baka lumakas pa to. Tara dun muna tayo sa loob. Sabi nung isa nating kaibigan, pero hindi na ko makagalaw sa kinauupuan ko. Wala na kong gustong isipin kundi ikaw.

Nang biglang isang text ang natanggap ko mula sa'yo, sabi mo, Bestfriend Erik! Sorry di ako makakapunta kasi nandito ako ngayon sa Hospital, bukas ko na lang kukwento sa'yo, long story eh, promise bukas babawi ako sa'yo. Enjoy your birthday! love you best!

Kasabay ng pagtago ng phone ko sa bulsa ko, bumuhos na ang malakas na ulan, nagsipasok na ang mga kaibigan natin at ang orchestra sa loob, ako na lang ang natira kasama ang mga ilaw na unti-unti ng namamatay. Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha, nawala na rin ang pag-asang magugustuhan mo pa ako.

***********

Nagising ako sa mga katok. Anak! Anak! gising na, may bisita ka, dalian mo at bumaba ka na sa sala!  Si Mama yun.

Dali-dali akong nagbihis. Dahil alam kong ikaw na yun.

Nakita kita sa sala nung pagkababa ko. Ang ganda mo pa rin. Yung mga ngiti mo na walang kapantay. Bumilis na naman tuloy ang tibok ng puso ko.

Pero may kakaiba, bakit mayroon kang kasama? sino siya? At ang kinagulat ko pa, magkahawak kayo ng kamay at kausap mo siya habang nagtatawanan kayong dalawa.

Sinalubong mo ako ng isang mahigpit na yakap. Yakap na hindi ko naramdaman dahil sa mga iniisip ko tungkol sa inyong dalawa.

Tumayo ang kasama mo at nakipag kamay sa akin. Tapos pinakilala mo na kami sa isa't-isa.

Reese, si Erik, bestfriend ko, Best, si Reese Boyfriend ko.

*********

Lutang pa rin ako kasi hanggang ngayon hindi ko matanggap na mayroon ka ng boyfriend. Ako pa ata ang na-surprise sa'yo best, grabe ka naman.

Siya pala ang dahilan kaya hindi ka nakapunta kahapon, siya pala yung sinamahan mo magpa-check up sa hospital. Long story nga best.

Hindi ko na naintindihan yung mga kwento mo kanina sakin kung paano kayo naging mag kasintahan ng Reese mo dahil sa pagkalugmok ko.

Eto pala yung sinasabi nilang "Nasa huli ang pagsisisi"

Kung nagkaroon lang sana ako ng lakas ng loob noon, siguro ang kamay ko ngayon ang hawak mo, pero torpe ako, duwag ako.

*****

HOW WAS THAT? PLEASE VOTE/COMMENT :) THANK YOU :D GOD BLESS =)

UntitledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon