KABANATA 4

827 35 4
                                    

Kabanata 4

"You know? I think there something really wrong about this." Pinagmasdan ng dalagang si Sophia ang mga kaibigan na nakaupo sa parang unan na nilagyan ng kahoy.

Bakit pa kasi kailangan nilang mag explain ng mga bagay? Kung nasa totoong mundo lang sana sila hindi siya at sila mahihirapan ng ganito! Bakit ang sofa ay kailangang maging maliit na parang unan na nilagyan lang ng kawayan sa ilalim at gilid?

"Nalaman ko din mula sa Personal Maid ng Prinsesa na binabanggit nito ang mga pangalan natin bago sila mawala dito sa palasyo." Pinagmasdan niya ang seryosong kaibigan, paano na sila makakabalik sa tunay nilang mundo? Paano na si Guis? Ang mga magulang nila? Ang trabaho nila? Paano na sila?

"I don't get it, paano nila tayo nakilala? Eh anong taon ba 'to sa taon natin? Sobrang layo guys! I really don't get it." Napasulyap siya sa kaibigang si Naomi, mukha na itong stress, hindi naman niya ito masisisi. Ilang araw na ba sila dito? Tatlo? Apat? At wala pa silang clue kung paano at bakit sila napunta dito.

Nag-isip naman siya ng mabuti, sa kanilang tatlo siya ang mahilig gumawa ng mga salitang may sense at minsan naman ay wala in short ma-teory siyang tao.

Ayun sa mga nabasa niyang libro, bumabalik ang isang tao sa nakaraan kapag may unfinished business ang taong ito. Pero bakit tatlo silang napunta dito sa mundong ito? May unfinished business silang tatlo dito?

"What if? Reincarnation tayo ng tatlong Prinsesang 'yun. Base on the books that I've read may mga unfinished business ang mga bumabalik sa nakaraan. Parang 'yung mga patay na nagmumulto hindi sila umaalis hanggang hindi nila natatapos ang Unfinished business na 'yun." Mahabang paliwanag niya sa mga kaibigan, nag tango naman ang mga ito at nag-isip.

"You have a very good point about that Soppi, pero why us? How come na nawala ang nga tunay na may ari ng katungkulan natin ngayon?."

'Nagdisappear na lang bigla?.' Mahinang tanong ng dalagang si Sophia sa sarili.

"Mga kamahalan pinatatawag kayo ng Mahal na Hari sa bulwagan." Isang magalang na boses ang nakinig nila na nagmumula sa labas ng pinto ng kwarto ni Naomi.

Nagkatinginan naman silang tatlo at sabay-sabay na napabuntong hininga.

Nang buksan nila ang pinto ng kwarto ay sumalubong sa kanila ang nga nakahanay na katulong at ang kanilang mga Personal Maid.

Agad na siyang lumabas at hindi na hinintay pa ang mga kaibigan.

"Kamahalang Twig, nasa inyong silid na ang mapang inyong ipinag-utos sa akin." Mahinang usal ng kaniyang Personal Maid na si Adeline.

Ngumisi siya at nagpasalamat dito, nagpatuloy lang silang maglakad hanggang sa labas ng bulwagan.

"Narito na ang mga Prinsesa." Kinig niyang sigaw ng isang announcer ata 'yun, agad na nagbukas ang malaki at malawak na pintuan ng bulwagan.

Sabay-sabay na yumuko upang magbigay galang ang mga ministro at iba pang nasa loob sa mga prinsesa.

Lumakad na siya kahit nahihirapan ng kauntian sa damit niyang para ng gown, ganoon ba talaga ang dapat nilang suotin?

Nang magpantay silang tatlo ng tayo habang nakaharap sa Hari ay sabay sabay silang yumuko bilang paggalang din.

Ngumiti ang hari sa kanila at sila'y pinaayos na ng tayo.

"Why do you call us? Your highnes--." Agad na siniko niya ang kaibigang si Naomi dahil sa patanong na naman nitong English.

"Paumanhin Kamahalan, ano bang nais ninyo't kami'y inyong pinatawag?." Magalang na tanong niya sa Hari na may edad na din subalit mababakas ang kapangyarihan.

Princess Agents ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon