Prologue

153 4 0
                                    



Prologue

"Jude! Nakita namin si Gerald sa Mall. May kasamang ibang babae!" Hinihingal na sabi ni Bianca nang maabutan nya ako. Lumunok ako nang madinig ang pag singhap ni Desiree at Sarah sa gilid ko.

"What? Sure ka ba dyan?" Inayos ni Sarah ang hawak nyang libro pagkatapos ay hinarap si Bianca.

"Oo! Sigurado ako! Kasama ko sila Gisselle. Nakita din nila kung ano ang nakita ko." Aniya.

Hinarap ako ni Desiree. "Jude? Do you know about this?" tanung nya.

Kumurap-kurap ako at binalingan sila ng tingin. Humigpit ang hawak ko sa palda ko pagkatapos ay pinitik ang aking mahabang buhok.

"P-pinsan nya 'yun! Kilala ko 'yon! Nagpaalam sya sa akin kanina. Ang sabi nya may lakad daw sila.. kaya ayon.." Tumikhim ako. Tinignan ko si Bianca at nakita kong nanliliit ang mga mata nyang pinagmamasdan ako.

"I saw them kissing, Jude. Hindi nya 'yun pinsan." Matama nyang sabi nya sa akin.

"B-baka mali lang ang tingin mo." Depensa ko

"Sorry ha. Pero hindi. Nakita ko talaga. Hindi ako pwedeng magkamali. Sinasabi ko lang naman sayo kasi concern ako sayo. Alam mo naman na cheater talaga ang boyfriend mo. Hindi ba't niligawan nya si Mae kahit na kayo?"

Tumaas ang kilay ko sa kanya. Kumurap ako ng mabilis pagkatapos ay dinilaan ang ibabang labi ko. Binalingan ko sina Sarah at Desiree pagkatapos ay nagsimulang maglakad.

"Tara na nga!" sambit ko. Sumunod naman sila sa akin. Damn! Damn! He's cheating again! Hanggang kaylan nya ba ito gagawin? Napapagod na akong pagtakpan sya sa ibang tao! Bwisit!

"This isn't the first time, Jude. Bakit ba pumapayag kang laging lokohin ni Gerald?" tanung ni Desiree sa akin. Hindi ko sya sinagot. Nag concentrate ako kung paano mapapakalma ang sarili ko. I may look calm and normal pero sa loob-loob ko, pakiramdam ko ay sasabog na ako sa galit.

"Guys, hindi ako niloko ni Gerald okay? Hindi ba't sinabi ko na sa inyo, kung anumang namamagitan sa amin ay hindi naman seryosohan. It's nothing serious." Hilaw akong tumawa. "..and seriously, pinsan nya lang talaga 'yun. B-baka mali lang ng nakita si Bianca." Sabi ko.

Nagtinginan sina Sarah at Desiree at hindi nalang sumagot dahil alam nilang ako ang tipo ng tao na hindi magpapatalo sa kahit anong diskuyon. Pumasok kami sa una naming klase ng marinig namin ang bell. Pumikit ako ng mariin pagkatapos ay nilunok ang lahat ng nagbabara sa lalamunan ko.

Relax, Jude. Relax!

Natapos ang una naming klase at inililigpit ko na ang mga gamit ko ng maramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone. Kinuha ko 'yun at nakita ang iilang text sa akin.

Maxine:

Ate, Kuya Glenn said dadaanan ka daw nya sa school mo paguwi. Tell him if you want to go to gym he'll bring your clothes.

Gerald:

Alam mo na sinisiraan lang nila ako hindi ba? I can never do that to you. Let's talk. I'm in the parking lot. I'll wait for you.

Tumayo ako sa kinauupuan ko pagkatapos ay kinuha ang libro kong kasing kapal ng mukha ng lalaking 'yun. Mabilis akong naglakad papunta sa parking lot ng walang lingon-lingon. Nang makarating ako doon ay natanaw ko kaagad si Gerard na nakasandal sa kanyang Montero Sport. Nang makita nya ako at nakita ko kong paano lumitaw ang malalalim nyang dimples sa pisnge ng dahil sa pagngisi nya. May kung anong pumitik sa dibdib ko at na visualized ko kaagad kung paano ko babangasan yang pagmumukha nyang napaka kapal!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EndlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon