SHAI POV
Baggy shirt, Pants, Sneakers, di mahilig sa pampaganda, mahilig sa soccer, walang paki sa itsura... Hello! It's me Shaiya Alvarez. Shai na lang.
Inaasar akong tomboy, eh hindi naman talaga, i just don't like doing some make up like them.
"SHAIIIIII!"
"Kala ko kung sinong kups!?" Sabi ko sa kanya kasi bigla ba namang tumakbo ng sobrang bilis sa harap ko.
"Nubayan besplen! ^_^" Masayang sabi ni Railey (ray-li). Rai na lang, bestfriend ko. Boy Childhood Most Special Besplen ko yan.
kaso... nung may niligawan siyang babae, si LAUREEN. Dun ko naramdaman yung selos, sobrang tagal kong dine-deny yung selos. Sabi ng kuya ko pegebeg na daw yun. -.- Pwede ba yun? Besplen kami. Pero masakit.
"Bakit mukha kang naka jackpot diyan besplen?" Sabi ko sa kanya.
"Kasi Bes! KAMI NA NI LAUREEN!" Sabi ni Rai. Guys kunyari wala akong narinig. Pero may tenga ako.
"A-ah! CONGRATS RAI! Pakain ka na!" Sabi ko at bigla akong binuhat. Yung puso ko ang bilis kumabog.
"KAMI NA SHAI! KAMI NA! ANG SAYA KO!" Okay? Binuhat niya ako sa sobrang saya?
"Oo na! Baba mo na ako." Sabi ko.
"Sige na Shai libre na kita ng paborito nating barbecue ni Ate Lorna tapos sa bahay niyo tayo kumain." Sabi ni Rai at hinila ako. Naka order na kami at sabi ni Ate Lorna ihahatid na lang daw niya sa bahay.
[BAHAY NAMIN]
"Kuya! Nandito na ako? Si Mommy?" Tanong ko nung nakita ko si Kuya naglalaro ng video game.
"Hello Kuya Gino!" Sabi ni Rai.
"Nag Grocery si Mommy. Oh ikaw pala Rai!" Sabi ni Kuya.
"Ayy kuya Gino! Kami na nung nililigawan ko! Salamat sa payo hahaha." Oo humihingi ng moves si Rai kay kuya.
"Ahh ayos yan! Sinunod mo talaga mga sinabi ko. Oh tahimik lang tayo baka may nasasaktan diyan sa tabi tabi. Haha." Kuya talaga! Pinandilatan ko siya. Argh.
"Haha ays lang yun Shai! Makakahanap ka rin ng para sayo, baka naiinggit ka kasi nahanap na ng besplen mong pogi yung para sa kanya. ;)" sabi ni Rai.
"Utut!" Sabi ko at sakto dumating yung order naming barbecue.
Umakyat kami sa kuwarto ko. Wala ng malisya, magkaibigan naman kami since diapers eh.
Dun sumalampak agad siya sa kama at ako rin habang nandun yung barbecue.
"Pero Shai di pa rin ako makapaniwala." Sabi ni rai.
"Kurutin kita? Para magising ka." Sabi ko.
"Hahahahaha huwag na, alam mo ba magaling rin pala siya kumanta."
And his Laureen Stories went on. Buong gabi naming pinag usapan yung Laureen na yun. Narealize kong buong gabi na rin akong nagpepretend na masaya ako para sa kanya. Buong gabi na rin pala akong nasasaktan. Pag ibig ba to? Diba kapag love dapat masaya? Bakit Masakit?
Actually katabi lang namin bahay nila Rai. Kaya kahit hanggang gabi pa yan. Best friends naman mga magulang namin.
"Hello ma! Movie marathon kami ni Shai! Dito na ko matutulog. Hehe salamat ma!" Oo sabi niy tinatamad na daw siya umuwi at kumuha siya ng movies sa laptop ko at nilagay sa TV ko sa kuwarto.
"Huy Rai! Uso umuwi!" Sabi ko.
"Bakit ba! Gusto ko kasama bespren ko. O ayan nuod na tayo." ayun nagstart na yung movie. D-dito matutulog si Rai?