Chapter THIRTEEN --> Knock <--

7.3K 209 50
                                    

=====> Chapter THIRTEEN --> Knock <--

 

 

[Cassidy's POV]

 

 

 

"Ayan." Umikot sa'kin si Ate Maki habang nakangiting tinitingnan 'yong gown ko. "Perfect."

Tumingin ako sa full body mirror sa harapan ko. I smiled when I saw myself. Ang ganda no'ng gown. Emerald 'yung kulay niya, tube top at hapit sa katawan ko. Kulay itim yung abdomenal part at puno ng black sequins. Mahaba 'yung palda, nakasayad parin 'yung likod sa sahig kahit na nakasuot na ko ng 6 inches na black heels. May overlay na white chiffon 'yung palda at nagsa-sparkle siya na para bang may binudbod na glitters doon.

Mukha akong prinsesa.

"Do you like it?" Ngumiti ako kay Ate Maki at saka tumango. Napapalakpak naman siya dahil nagustuhan ko 'yung design niya at perfect na perfect ang sukat sa'kin. "I'm glad at nagustuhan mo siya. Pinaghirapan ko 'yan." Kinindatan niya ko.

I laughed. Ang ganda talaga ni Ate Maki. Kahit na 23 palang siya ay sikat na siya sa field of fashion designing. Naging magkatrabaho sila ni kuya sa Korea at siya ang naging designer ni kuya dati para sa isang photoshoot. Close silang dalawa, pero tuwing tatanungin ko sila kung magkaibigan sila, pareho silang sisimangot at saka iirapan ang isa't isa. Haha.

"Eunice?" Napalingon kami ni Ate Maki noong may sumilip dito sa loob ng kwarto. Agad naman siyang ngumiti no'ng nakita niya ko. He walked towards me, looking at me from head to toe. "Ang ganda mo."

"Thanks, kuya," I said smiling.

"Jace!" Humalukipkip si Ate Maki sa harapan ni kuya. "Anong ginagawa mo dito? Bawal ka dito!"

"Bakit naman?" Tumaas 'yung kilay ni kuya. "May nakalagay bang No Entry sa pintuan? Wala naman ah?"

Ate Maki rolled her eyes. O...kay? Heto na naman po sila. "Excuse me, Mr. Park. Ako po ang may-ari ng shop na 'to. Kaya kung hindi ka susunod, mabuti pang umalis ka nalang!"

"Excuse me din, Ms. Eusebio. Customer ako so be nice to me." Nginitian ni kuya si Ate Maki na parang nang-aasar.

Itinaas ni Ate Maki ang mga kamay sa ere, claiming defeat. "Fine. Fine! Whatever. Basta mag-behave ka dyan!" Tinuro niya si kuya sandali at pagkatapos ay inirapan.

"Behave naman talaga ko eh." Humalukipkip si kuya at saka umiwas ng tingin.

"Maniwala ako," bulong ni Ate Maki habang kinukuha 'yung cocktail dress ko para sa performance ko sa debut. Natatawa nalang ako sa kanilang dalawa.

"Bakit tumatawa ka, princess?" Nakataas 'yung kilay ni kuya sa'kin.

Umiling ako habang nakangiti. "Wala. Bagay kasi kayong dalawa."

(G4S Book3): OUR LEGACYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon