TORPE

134 3 0
                                    

Ano nga ba ang TORPE? 
yan yung mga taong nagmamahal pero takot umamin, Takot masaktan, takot ma-reject, Walang confidence sa sarili, takot mapahiya, Maraming tanong na kadalasan ay hindi nabibigyan ng kasagutan. Pero bakit nga ba tayo natatakot sa bagay na wala naman tayong kasiguraduhan na mangyari? Bakit nga ba laging may boses na nagsasabi sa atin na "Masaksaktan ka lang" o di kaya "Ang taas-taas nya para makita ka nya"? Bakit ba tayo laging naghihintay ng oras na hindi naman dadating kung hindi natin lalapitan?

Alam mo ba bakit marami tayong tanong sa buhay na walang nabibigay na kasagutan? kasi, hindi tayo nagtatanong o nagbabakasakaling malaman ang totoong sagot sa mga tanong natin.

Kung ako sayo, let all your feelings goooo~ Mas mapapadali yan kesa yung tinatago mo o pinipilit mong kalimutan. Mas madaling makalimutan yan pag nailabas mo na sa system mo.
Alam kong sobrang hirap pero ano bang mawawala pag sinubukan mo?
Malay mo may madagdag pa sa buhay mo.

Hindi natin alam kung kaya nyang suklian ang pagibig na ibibigay mo pero there's nothing wrong in trying naman diba? Mas mabuting matalo ng binigay mo ang lahat ng kaya mo kesa matalo ng wala ka man lang nagawa. Hindi natin alam kung kelan matatapos ang buhay na ipinahiram lang sa atin kaya hangga't may oras pa, Gawin mo na ang lahat ng bagay na maaaring magpasaya sayo

~

I'm out. Peace! ✌🏼️

denyel_unnie

Book of adviceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon