Enrollment

42 1 0
                                    

Dumating na ang araw ng pag-enrol nila. At dito ninyo malalaman kung sino at ano ba ang apat na magkakaibigan na sina Brian,Felix,Mark at Cheven.

Si Brian,

Panganay sa magkakapatid si Brian, masipag, masunurin, at napaka responsableng anak. Natulong siya sa pagtitinda ng Burger na itinayo ng magulang niya, kumbaga pandagdag kita din sa kanila. Yun nga lang kahit sa murang edad nito may kalokohan din  naman itong tinatago.

Si Mark,

Pangalawa sa Magkakapatid si Mark, Sobrang Malokong tao, Masayahin at Palabirong tao. Parang Attention Seeker siya. Ay hindi pala "PARANG"  kundi totoong Attention seeker siya! (Natawa ako) gusto niya kasi na napapansin siya lage. Pero kahit na ganung tao si Mark di pa rin maikukubli ang kalungkutan niya dahil kapos siya sa pagmamahal ng magulang halos Mama nalang niya ang bumubuhay sa kanilang magkakapatid.

Si Cheven,

Only child, Pero ang kasama lang niya sa buhay ay ang mama at step fatther niya na nagpapa-aral sakanya. Mabait naman sakanya ito, Ngunit gusto nya para sa sakanya ang tunay niyang ama. Madiskarteng tao, Simple lang ang gusto para sa buhay. Yun ay ang magkaron ng sariling buhay hiwalay sa pamilya.

Si Felix,

Pangatlo sa magkakapatid, Malokong tao palatawa pero mas lamang ang pagiging seryoso. Simple lang sa buhay, Yun ngalang medyo magisa lang siya hindi nakikihalubilo sa ibang kabataan laging nasa galaan kaya mahirap mahagilap. Na Diskarter rin ng pera para sa mga gusto nyang bilhin ang makuha.

"Brian, gwapo naitn ha? Ayos na ayos tayo ngayon pre." Biro ni mark.

" Wala pa nga si Felix, Nakausap mo ba yun kahapon o Kagabi?" Tanung ni mark.

" hindi ehh, Ikaw nakausap mo?" Tipid na tanung ni brian.

" Oo, Nakausap ko ngayung lunes daw tayo mag enrol ewan ko kung gising na yun, parang natagalan pa yata sa banyo." Patawang sabi ni mark.

" Oh? Mageenrol din ba kayo?" Seryosong tanong ni cheven na bigla nalang sumingit sa usapan.

" Ay! Hindi gagala lang kami." Pilosopong sagot ni brian.

" Kung puntahan nalang natin si Felix para maaga tayong makapag enrol maaga rin na makauwi baka naman tulog pa yun." Inip na sabi ni Brian.

" Huwag na! Nandito na ko tinatamad nga akong mag enrol ehh, Aga-aga nyo kasi enrolan palang naman hindi pa naman pasukan lalo pa yata kung pasukan na baka Alas Quatro palang ng umaga nandun na kayo sa school." Singit ni Felix sa Usapan.

" Ano ba yan? Mag-eenrol ba kayo o magkukwentuhan!?" Sigaw ng mama ni mark sa apat.

" Aalis na nga kami ma!" Sagot agad ni mark sa mama nya.

" Tara nga papagalitan pa tayo dito." Bulong ni mark sa apat na kaibigan.

Naglakad na ang Apat na magkakaibigan papunta sa sakayan ng jeep papunta sa school na papasukan nila habang naglalakad ang mga ito di na natapos kwento ni brian kay felix ng kung ano-ano samantalang ang dalawa ay tahimik lamang na na nakikining sakanila.

" Ohh? Bakit hindi kayo nagsasalita? Para na kayong tuod dyan ni Cheven." sabi ni brian kay Mark at cheven.

" O.P na kayo ngayon palang pano na mamaya pag may kasama na akong chicks." Painggit  na sagot ni felix sa dalawa.

" Anung O.P.? Out of person.?" Tanung ni brian.

" Hindi. Out of place, yan yun brian." Sigaw ni felix.

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon